24

41 2 0
                                    

24, If I will

Narito pa ang mga pinsan niya at maging ang ibang bisita kaya kahit naiinis na ako ayaw ko namang pagtinginan kami dahil sa mga pwede kong masabi.

He's just so unbelievable! And very impulsive!

Magkakasunod na ang notif sa phone ko kaya wala akong nagawa kun'di ang gawan ng paraan ang nangyari. I deleted that picture irritatedly.

Gustong-gusto ko pa naman 'yon! Magko-comment na lang kasi, may pa mine-mine pa siyang alam! Ugh. My goodness. This is stressing me out.

Mabibigat ang paghinga ko habang nagtitipa.

To: Hope

BALIW KA TALAGA ANONG PROBLEMA MO BA'T KA NAGCOMMENT NG GANOON

To: Hope

MAG-USAP TAYO NGAYON NA HOPE

I observed him carefully, my eyes turning into slits. Nakatayo lang siya, ang isang kamay ay nakapamewang habang ang isa'y hawak ang cellphone.

He's reading my texts, that's for sure. Tanging ang mga mata niya ang lumipat sa banda ko pagkatapos noon. I'm fuming mad inside and all I wanna do is release it as soon as possible! My teeth were clenched when I stood up, grabbed my clothes and walked towards the hotel lobby.

Wala ng mas bibigat pa sa mga yabag ko. Rinig ko ang pagpilantik ng mga flip-flops ko sa mismong talampakan ko. I made sure Hope is following me.

I entered the elevator. Mabilis ang naging pagsakay niya rin at nakapamulsa sa tabi ko. My breathing is hitching up like I'm riding on a stupid rollercoaster ride. Parehong nakasakop sa kaliwang kamay ko ang mga hinubad na damit kanina at ang twalyang tanging nakatakip sa katawan ko.

I know I should've fixed myself first but that's the least of my concerns!

Ginamit ko ang malayang kamay sa pagpindot ng tamang floor. Bago magsara ang elevator ay may pumasok pang babae na may katawagan sa cellphone. She smiled a bit at us before standing in front. Isa siya sa mga college friends ni Celina kung hindi ako nagkakamali.

Hope nodded curtly at her. Nanatili ang seryosong mukha ko. I wanted to acknowledge the girl but my head is aching due to too much frustrations.

Pinindot ng babae ang pangatlong buton.

Kung pagmamasdan ang repleksyon namin sa kulay abong metal sa harap, my face isn't really showing any irritation or anger. Though I know I'm mad right now, nagpapasalamat pa rin akong nabiyayaan ako ng mukhang hindi agad nahahalataan ng emosyon. I don't have a resting bitch face, nor an angelic one. My natural and usual expression is floating somewhere in between.

Nakayuko nang kaunti ang ulo ni Hope at ngayo'y minamasahe ang batok gamit ang isang kamay. He's still shirtless. Is he trying to flex his muscles right now? Really? Cuz it's making my anger pile up more!

Kung wala lang itong babae ngayon sa harap namin baka nasapak ko na siya. Umangat ang tingin niya at nagtama ang mga mata namin sa repleksyon. Paismid akong nag-iwas ng tingin.

Siguro naman sa pagkaka-capslock ng mga letra sa messages ko, halata namang galit na galit ako?

"Oh my gosh, you're not serious, are you?" the girl slightly laughed while still talking over the phone.

I'm now very tempted to punch my friend straight on his chiseled jaw because I can clearly see his hidden smirk. Nasa harapan na ulit ang mga mata ko, sinusubukang panoorin ang pag-iba ng pulang numero sa gilid. Nang sinipat ko siya ng tingin ay kinagat niya ang labi at banayad ang pagbaba ng mga mata.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon