Wakas

54 3 0
                                    

Last part. Thank you, if ever you've read this story. Will edit it out when I have time. xx
_____

Wakas

Akala ko tapos na akong maghintay. Akala ko tanggap ko na. Akala ko wala na akong hihintayin... pero puro lang pala ako "akala".

Nasabi ko pang hindi ko na rin susundan o katatagpuin man sa gitna ang hinihintay ko, dahil inisip kong magiging masaya ako sa kung saan man ang tungo niya. Hindi ko siya pipigilan kung anong gusto niyang gawin. Bagkus ay susuportahan ko pa siya sa kung saan siya masaya. Ayaw ko na ring sumugal pa kung tutuusin sa takot na masira ang maayos naming samahan.

Kaya lang nalintikan, e. Ang hirap palang panoorin siyang umiiyak dulot ng nakarelasyon niya. Asar na asar ako nang gabing iyon. Hindi sa nanakit sa kanya, o sa kanya mismo, kun'di sa sarili ko. Sa gabing iyon din kasi, naisip kong kung ako ang karelasyon niya... hinding-hindi siya iiyak sa kadahilanang pinagpalit o niloko ko siya.

"Hope... thank you ha. Kahit minsan nakakainis ka..." aniya sa marahang paraan at sumisinok pa. "Lagi kang nandyan para sa'kin. Sobrang thankful ako kasi lagi mo 'kong tinutulungan. K-Kahit ayaw mo... ginagawa mo pa rin para sa'kin. I don't think there's anything that could hurt my heart more than you, l-leaving me, Hope..."

Natigilan ako nang sabihin niya iyon. Inalo ko siya kahit na maging ako ay hindi kalmado ang isip.

Sigurado akong masasaktan din ako kung magkakawalay kami. Ayaw ko ng makitang nasa ganitong kalagayan siya, umiinom at umiiyak. Ako na ang bahala... lalo na't nabigyan ako muli ng chance. Hindi ko na ulit sasayangin at hindi na ako magdadalawang-isip pa.

Ilang araw bago ang pagbunyag sa akin ni Erin na natuklasan na ng parents niya ang pagkakaroon niya ng girlfriend, wala akong masyadong iniisip no'n at nasa bahay lang ako. Gabi iyon at nag-iinuman lang kami ng mga pinsan ko at kapatid sa front yard ng bahay. Tumawag si Erin noon at hindi ko nga agad nasagot dahil naka-silent ang phone ko. Lumayo ako mula sa mga pinsan ko para makausap siya nang maayos.

"Huy, JP! Yelo ah! Dagdagan mo bilis!" si Kuya Rico.

Umingos ako. "Si Randell na lang ang utusan niyo at babalik na lang ako!"

"Olats! May kausap na baby 'yon!"

Huminga ako nang malalim at saglit na tinakpan ang phone ko.

"Ako rin naman!"

Suminghap siya at humalakhak. "Ah! Gago! Akala mo hindi torpe!"

"Sino... Sinong torpe?" si Jorenz.

Hindi ko na sila pinansin. Baby ko itong kausap ko. Inisip ko lang iyon pero ang totoo, sana magkatotoo na nga. Natawa ako saglit bago siya tuluyang kinausap.

Mahal ko talaga si Erin. Kahit na ang hirap niyang mahalin. Hindi ko mapigilan.

Noong araw na tinext niya ako dahil may sasabihin daw siya kaya sabay kaming mag-lunch doon sa may lumang building, parang tanga... pero tumalon yata ang puso ko roon. Paano, ang akala ko kasi sasabihin niyang may feelings din siya para sa'kin. Kaso malabo rin namang mangyari iyon dahil sila pa ni Heidi 'tsaka alam kong mahal siya ni Erin.

"Alam na nila mama..." sabi niya at doon ko nalamang ayaw ni Erin na umamin talaga sa parents niya.

Naiintindihan ko naman siya pero hindi ako sang-ayon sa desisyon niya. Gusto kong ipaglaban niya kung saan siya totoong masaya. Ipaalam niya kung ano talagang laman ng puso niya. Kahit may masasaktan. Kahit alam kong iyon na ang katapusan ng huling hibla ng pag-asa ko para magkatuluyan kami.

Alam kong hindi magiging madali... pero alam kong sa huli, matatanggap din iyon ng parents niya.

"Magpanggap kang boyfriend ko." seryoso pa siya nang sabihin iyon.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon