2

47 3 0
                                    

2, It's fine

"I had fun! It was amazing," Heidi smiled sweetly at me. "I told you..."

Kinagat ko ang labi ko at marahang tumango, "Buti naman, nag-enjoy ka..."

Heidi and I spent almost half of the day at the mall today. We ate twice and visited a lot of stores. Siya lang naman ang maraming pinamili. I had no energy to enjoy that much though. May bumabagabag sa'kin. Samantalang siya, para bang ngayon lang ito naranasan.

Pauwi na kami ngayon dahil magrereview pa ako para sa exams bukas. I already reviewed the previous days but I know I still have to continue it. Alas sais na ng gabi ngayon at kahit ayaw pa ni Heidi, sa huli ay pumayag din na umuwi na kami.

"Ingat ka," sabi ko nang pasakay na ito ng sasakyan niya.

She roamed her eyes around the parking space. Iyon din tuloy ang ginawa ko.

Wala namang ibang tao maliban sa aming dalawa.

My mouth formed an O when she moved to kiss my forehead. I gasped.

"You take care too..."

Hindi ako magpapahatid dahil magkaiba ang route patungong bahay at dorm niya. She understands anyway so it's not a bother to us. Hindi namin iyon napagtalunan.

Good mood si Heidi ngayon. Parang kahapon lang ay grabe ang galit sa akin. Nangyari na ang gusto niya kaya naman ngayon ay masaya talaga siya.

Maingat akong nagmano kay mama pagkauwi. Nasa hapag ito at dahil malapit na ang hapunan ay naghahanda na ng lulutuing ulam. She glanced at me and withrew away a hand of hers that I'm holding. Inayos nito ang bahagyang nahulog na salamin gamit ang kamay niyang iyon.

Her eyes went down to the two paperbags I got from the mall.

"Namili ka? Galing kang mall?"

I smiled awkwardly, "Uh, opo, ma. Kaninang... kaunti..."

"Sinong kasama mo? Sana'y nagsabi ka. Nagpabili sana ako ng handwash at paubos na..." aniya. "Are you with Hope?"

Umiling ako at mabagal na tumalikod upang dumiretso na ng hagdan. Kita pa rin naman ako ni mama kaya okay lang iyon.

"Bakit hindi na bumibisita iyon dito?"

Saglit akong huminto sa paghakbang. "Busy lang po, ma. Kaya... ako na ang nagpupunta minsan sa... kanila."

Nagtagal ang tingin ni mama sa akin pagkatapos ay tumaas na lang ang kilay niya at pasinghap na bumalik sa paghihiwa ng gulay sa mesa.

Hindi naman na bago sa kanila ang pagpunta ko sa bahay ni Hope dahil nga matagal na kaming magkaibigan. Sa katagalan din, maging ang mga magulang namin ay naging malapit na rin kahit paano. Tuwing linggo, katapos ng simba ay tutuloy ako sa bakeshop para batiin ang mama ni Hope saglit. Dati rin ay nandoon si Hope at tumutulong kaya talagang nagpupunta ako roon. Ngayon nga lang ay ang bunso na nitong kapatid ang natokang tumulong doon dahil busy na sa kolehiyo si Hope.

Susundan naman ako nina mama noon tuwing nagtatagal ako sa bakeshop. Ang ending tuloy ay napapabili sina mama roon. Nalaman nilang kaibigan ko si Hope, na siyang anak ng may-ari. Pinakilala ko siya sa kanila at wala namang naging problema.

Nag-start ang midterm exams namin kinabukasan. Sa kurso ko, kahit minsan ay minamaliit ng iba, hindi pa rin siya biro para sa akin. I am taking BS Secondary Education, major in English. There's really a lot to memorize, kaya kahit ilang araw akong naghanda para sa midterms namin, may iilan akong nakaligtaang sagot na nasa test kanina.

Aburado tuloy ako nang magkita kami ni Hope. Wala siyang ekspresyon kaya nagtataka ako. Inalis ko ang tikwas na buhok na nakatabing sa kanang pisngi, tahimik na pinasadahan ng tingin ang iilang estudyante na nakaupo rin sa mga sunud-sunod na benches. Presko ang hangin dito, maluwag pa dahil hindi dikit-dikit ang mga upuang gawa sa semento.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon