1

59 2 0
                                    

1,  I know

Deep inside, I wondered what it is that I should really believe in.

"Erin, are you done? Tara na't nagmamadali si mama!" si Kuya Oxenn na kinatok ang pintuan ng kwarto ko.

"Ayan na!"

Inayos ko ang puting saya ng bistida ko. Inipit ko sa isang maayos na ponytail ang buhok ko at pinakatitigan saglit ang onse anyos kong pigura mula sa salamin.

Linggo ngayon, araw ng pagsimba. Gaya ng nakagawian ay nagsama-sama kaming mag-anak patungo sa bayan para mabendisyunan ng misa sa simbahan.

My family is a good type of family. Not that I'm claiming that it's good just because we go to church every Sunday. Or that we honor God so much. Sa totoo lang, sagrado ang pananampalataya ng magulang ko sa Diyos. Iyon ang kinagisnan ko simula pa lang. My parents do charities sometimes, and help with the church's several activities.

Hindi kailanman nagmura ang mga magulang ko. My two brothers belong to the knights of the local church, and I was asked if I could join the choir on the other hand like my sister. Sa huli, umayaw ako. Ang pangit ng boses ko, 'no! Nakakahiya.

I said my family's a good type simply because they lead us for the better things. They make us see the blessings more than what we're lacking of. They provide us the things that we need.

I do love my family so much.

"Ma, bibili lang po ako ng popcorn," paalam ko matapos ang misa at nakita sa tabi ng parke ang nagbebenta.

Hinaplos ni mama ang buhok ko. "Sige, balik ka agad at kakausapin muna namin si Father Von..."

Humagikgik ako at tumango. Napagbigyan!

Tinakbo ko ang distansya ng parke. Hindi naman iyon ganoon kalayo dahil katabi lang ito ng simbahan. Malawak lang ang maberdeng espasyo at mainit kaya't pinawisan tuloy ako.

Bata pa ako noon, inisip ko parke iyon. Parking lot pala iyon, nalaman ko kalaunan. Ganoon pa man ay noong araw na iyon ay nagtagumpay ako sa pagbili ng ma-kesong popcorn.

I was satisfied. I was enjoying my food when I heard a little girl screaming and crying near the common comfort room.

Kumunot ang noo ko at tinungo iyon. Nakita ko ang mas malaki at matabang bata na tinutukso iyong batang babaeng umiiyak.

I was bigger than him though, but he looked brave and strong. Ang payat ko pa naman.

"Mama ko..." the little girl sobbed.

"Wala mama mo rito! Kawawa!"

"Hoy!" hinila ko ang braso ng batang babaeng umiiyak. "Bakit mo naman inaaway 'to? Ang laki mo, oh!"

"E, bakit ka nakikialam? Gusto mo ikaw awayin ko?"

Gusto ko lang naman makatulong. Tinulungan ko iyong bata at pinatahan saglit. Sa huli, pati ako ay inaway na noong batang lalaki. Hindi ko magantihan dahil ayoko siyang patulan. Mamaya makita pa ako ng mama nito at pagalitan ako dahil pumatol ako sa mas bata sa'kin.

"Akin na nga 'yan!" hinablot ng batang  lalaki iyong popcorn ko. Natapon ang laman no'n. "Iyan! Bagay sa'yo! Nakikialam ka!"

Mangiyak-ngiyak ako. Masarap iyon, e! Kada Sunday nandito ako para rin abangan iyong tindero pero hindi naman laging nandito iyon! At ngayong nakabili na ako, natapon naman!

"Hoy Bugal, ba't nang-aaway ka na naman?" pagalit na sabi ng isang lalaking kadarating lang.

May bitbit itong tinapay sa isang kamay at tumataas ang kilay sa batang lalaking nag-aaway sa amin. Mas matangkad ng 'di hamak iyong lalaking bagong dating. Mukhang teenager, at parang pamilyar.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon