25

53 2 0
                                        

25, Be with a man

Hope and I are friends, right? Good friends, childhood friends in fact.

But friends don't kiss. They don't make out!

So, what are we? Halos mapudpod ang ballpen ko sa pagkakatutok sa blangkong papel. I'd like to think it's just a spur of the moment but with the way he uttered those words, I know he did kiss me intentionally. He meant it. He wanted it to happen and I was only a woman blinded with the heated situation.

Sa pagkakataong iyon, alam kong hinalikan ko na siya pabalik. Hindi nga lang iyon isang beses...

"Hayop ka! Punyeta, gagita! Ano 'yan? Kainis 'to!" si Dyorda, inagaw ang isip ko mula sa kabilang panig.

I blowed in my mouth and released the air with a little force. I'm with my blockmates today. Tapos na ang maliligayang araw ng Christmas break. Wow, talagang maliligaya, huh? Maligaya bang makipaghalikan sa kaibigan?

Mula sa ballpen kong halos nauubusan na ng tinta sa papel ay tamad kong nilipatan ng tingin ang bumubulong na si Dyorda. Anika and Ethel were both smiling playfully, like they were surprised and thinking of some evil thoughts. Nasa iisang mesa at upuan kami sa may open field.

Maganda ang sikat ng araw ngayon at kasalukuyang bakante ang dalawang oras namin. Narito kami para magsulat para sa isang essay sa susunod na subject namin. Pero tittle pa lang ang nasusulat ko. Ang mga kasama ko naman, puro daldalan kaya hindi rin umuusad sa sinusulat.

"Ano 'yan gaga?!" ani Dyorda, pabulong pero mariin naman. "Ba't ikaw lang meron?!"

Nakaturo ang kanyang hintuturo sa mismong leeg ni Iona. Kung hindi lang ako nakatingin sa kanila, baka isipin ko pang ako ang tinutukoy niya. I mindlessly massaged my neck, thinking about it. Pero sa pagkaka-alala ko, ang labi ko lang ang matagal na hinalikan ni Hope. At isa pa, isang linggo na rin mula ng mangyari iyon.

"Wala!" masungit na sabi ni Iona sabay takip sa kanyang leeg gamit ang panyo.

"Hala! Landiiii..." si Dyorda na sumisingkit pa ang mga mata. "Pagdating sa jugjugan hindi ka hinihika ha! Baka kailangan mo ng inhaler. Magsabi ka lang! 'Tsaka kung kailangan mo ng representative 'pag hindi mo na keri, isang tawag mo lang, kakasa ako!"

I looked away and watched the other students who flocked on the view. I closed the ballpen with its cap and put it down on my yellow pad. Wala akong maisulat dahil kung saan-saan napapadpad ang isip ko. Pumangalumbaba ako at hinayaan sila sa pag-intriga kay Iona.

"Kanino galing 'yan?" si Ethel naman na natatawa pa. "Buti morena ka... pero halata pa rin kung sa malapitan, e."

"Tss..."

"Kanino galing? Tignan mo 'to! Masyado kang pa-showbiz, ha? Stalk nga kita sa Facebook! Makikilala ko rin 'yan... hmp!"

"Tigilan mo 'ko, Giordano."

"Aba't! 'Pag ikaw tinawag kong chikinini girl, 'wag mo 'kong mairap-irapan!"

They laughed so hard at Dyorda's remarks. I sighed and chewed on my lips.  I can't find the strength to join them in their happiness.

"Hoy, Lime Erindayle!" pinuna na ako ni Dyorda ngayon. He does it all the time because it's so obvious that I'm too preoccupied.

Ang pagngisi ni Ethel ay sumalubong sa'kin. Ganoon din ang pag-irap ni Iona at walang emosyong tingin ni Anika. Chelsea isn't here with us because she finally got herself a boyfriend.

I raised my brows, still biting my lower lip. I'm giving them an innocent look. I hope they believe it though.

"Kung 'di lang kita kilala, iisipin kong naka-drugs ka." ani Dyorda sa'kin. "O kaya, depressed..."

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon