11

56 3 1
                                        

11, About pain

It bothered me a lot.

Si Heidi ang nakita ko at hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko rin ang kasama niya ng araw na iyon. It was a guy, probably the same height with my best friend. I can't remember the face that much but I know he's from NCC as well. Katulad ni Heidi.

Doon nag-aral si Hope matapos ang junior highschool dahil doon nagsilipat ang mga kaklasi niya noon. Bumalik lang siya sa dati naming school, sa Don Mabini Academy nang mag-college na.

Kaya naman mula noon ay naging pamilyar na sa akin ang uniporme nilang maroon, puti at itim. And Heidi, along with that guy, were kind of proud to scream those colors in my face.

Dapat ba akong magduda sa kanila? Heidi lied to me. It pained me a bit.

I'm sure, if there's nothing to cover up, you won't have to lie and make stories. Like how I invested in proving to my family that Hope is now my boyfriend. I did it all to cover everything up. I know my reason behind it.

But as for Heidi, who has no idea that I've seen her with someone else, wala akong maisip na dahilan para doon.

It's the last and final week of October. My parents are starting to talk casually to me, even when it's only a short chitchat whenever we eat together on the table. Somehow, it soothe me from my other worries.

Hope visited me in the house a few times after that day when we went to eat ice cream at the mall. He took our pretentions really seriously that he would always bring something for my parents. Madalas ay isang balot ng tinapay mula sa mismong bakeshop nila. Busy na naman iyon ngayon dahil nagbabadya na ang sembreak namin at sinusulit na ng ibang professors ang limitadong panahon.

Sa amin naman, natapos na ang huling presentation namin sa klase at hinihintay na lang ang iilang mga papel para doon sa mga quiz at exams namin. Tapos na rin kasi ang finals namin last week. Sana nga ay pasado ako sa mga iyon.

"Taas ng score mo, ah? Inspired!" tukso ni Chelsea sa tabi ko nang isa-isang ibalik sa amin ang mga test paper.

Ngumisi pa ito sa'kin. Maarte akong tinaasan ng kilay ni Dyorda sa narinig.

Thankfully, kahit may ibang iniisip, may mga pumasok pa rin sa utak ko mula sa pagre-review.

"Porke mataas inspired na?" I chuckled a bit. "Hindi ba pwedeng bumabawi lang dahil mababa ang scores noong midterms?"

"Joke lang! Ito naman..." bumulong-bulong si Chelsea.

Nang pauwi na kami ay tumitili si Dyorda at nanlalaki ang mga mata habang mabilis na pumasok sa loob ng room. Galing yata ito sa labas. Nagmura ang ilan sa mga kaklasi naming lalaki dahil nakakabingi raw.

"Siiiiiis! Alam ko na pangalan nung first year na sinasabi ko!" pambabaliwala ni Dyorda sa reklamo ng iilang kaklase.

I pouted my lips as I continued wiping my shoes with wet wipes. Naapakan ito kanina ni Iona.

"Sino? Iyong sa kabilang room tuwing Thursday? Iyong cute na may crush kay Lime?" walang hintong tanong ni Ethel.

Dyorda glanced at me to show me how he rolled his eyes.

"Hindi! Iyong isa ko pang crush, na crush niyo rin pala. Hayup. Mga pashneya kayo. Homer ang pangalan! Electrical Engineering!" he screamed aloud.

"Huy!" saway ng mga estudyante sa hallway na nakatingin mula sa bintana.

"Che! Hay nako!" Dyorda grabbed his red shoulder bag. "Hahanapin ko nga 'yun! Pakuryente ako sa pwet!"

"Bunganga mo, bakla ka! Ako kukuryente sa'yo!"

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon