16

67 2 0
                                        

16, For men

Akala ko magseseryoso na siya.

Pero parang hindi naman. Hope was grinning and teasing me as he's seated closely in front of me. Hindi ko siya kinikibo sa mga pang-aasar niya dahil wala akong gana.

"Umayos ka. Ikaw na nga ang inaano diyan..." irap ko at yumuko ulit para mag-apply ng concealer sa bandang itaas ng leeg niya.

"Pwede naman kasing lagyan ng band aid na lang, e. O kaya, hayaan na lang na ganyan 'yan." he commented nonchalantly.

Tumaas ang kilay ko at umatras sa mahabang upuan para makita niya ang itsura ko. I made a face. Kung band aid, baka kulang pa ang limang piraso para matakpan iyon. Gaano kaya kalaki ang bunganga ng sumipsip sa kanya at nagkaganito.

He chuckled and fixed the loose strands of my hair gently. "Sige na, tapusin mo na. Malapit na klase mo."

Nasa may lumang building na naman kami. We just finished our lunch and I didn't stop accusing him of being careless. Ako talaga ang nahihiya para sa kanya dahil sa napakalaking chikinini niyang iyon. Agaw pansin!

"Kanino ba galing 'yan? Kabwiset! Kay Sherra?" sabi ko bago ituloy ang pag-ayos ng concealer sa leeg niya.

Amoy na amoy ko ang pabango ni Hope habang ginagawa iyon dahil medyo malapit ako sa dibdib niya. Nasa gawing ilalim na kasi ng tenga niya ang chikinini niya kaya medyo nahihirapan akong takpan.

I heard him inhale deeply before resting a hand on my back. Naningkit ang mata ko pero pinabayaan ko na siya.

"Kay Sherra galing 'to?" masungit na ulit ko.

Bumuntong hininga siya. "Wala..."

"Ayusin mo sagot mo. Lalong sumasakit puson ko sa'yo."

"Same." halakhak niya. He leaned down and gave one warm blow on my face. "Ngayon nga lang..."

Tinampal ko ang braso niya at lumayo. Pwede na iyon. Natakpan na rin naman. Hindi na siguro iyon mahahalata.

"Akala ko ba magseseryoso ka na? Hindi ba nakakahiya sa magulang ni Sherra? Lalo na doon sa mama niya na parang sinesex mo lang ang anak nila?"

Mabilis na nauwi sa seryoso ang mga mata niya. He hates it when I'm using vulgar words but the heck, what term should I use for that? Yinuyugyog?

"Ayoko ng marinig 'yan galing sa'yo." he sounded like a father scolding his child. "Isa pa, anong expect mo? Matanda na 'ko. Hindi pwedeng puro kamay lang-"

"Ah! Stop! My gosh! Kadiri! Bakit kailangan mo pang sabihin?! Tignan mo na! Ikaw 'tong balasubas magsalita, e!" pinalo-palo ko siya sa braso.

Nang kumirot ang puson ay napangiwi at natigil. He sighed and placed a hand on my waist. Mabagal nitong pinaikot ang palad doon na para bang makatutulong iyon para mawala ang sakit. Hindi naman useful iyon dahil bukod sa kirot, ay uminit ang tiyan ko sa ginawa niya. Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan kaya agad kong inalis ang kamay niya.

"Ano ba?!" I complained and palmed my face.

"Ano ba ang gusto mo? Ice cream? Buscopan? Iyon ba... o kremil-s..." he whispered on himself, as if thinking.

"Wala!" sabi ko. "Sagutin mo muna. Payag si Sherra sa gano'n? Kahit... 'di mo jowa?"

I'm so curious! My gosh. Hindi ko mapigilan ang pagtatanong. Kunot ang noo ni Hope na parang hindi na kumportable sa mga tanong ko. He looked away and clasped his hands on the table.

"Ano nga, Hope?"

"Hindi ko sasagutin." suplado niyang sabi.

I'm so pissed of him. He didn't tell me exactly the answer on my question. The day ended with me, listening on all of the discussions in class. Minamadali na naman ng ibang profs ang iilang topics dahil magki-christmas break na. Nakakairita tuloy. Pero mas irita pa rin ako kay Hope. Ang arte, e. Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon