6

29 2 0
                                    

6,   I'll be

Habang lumalalim ang gabi, lalong nadadagdagan ang mga bumabagabag sa isipan ko. Nagtatalo ang isip ko kung uuwi na ba ako o hindi. I'm afraid of the conversation that my family and I will be having later so I thought maybe I should stay here for a bit longer. On the other hand, I can't stay calm and focused with this celebration that I attended to so I kind of thought that maybe I should just go back home. I might actually looked constipated right now, for sure.

"Ano ba talagang problema mo? Solved ka na ba sa kinain mo? O natatae ka?" si Hope na nagtagal lalo ang mga mata sa akin.

I gritted my teeth. He did not left me even when he was already called by his cousins several times. Iniwan niya silang nag-iinuman doon. Well, saglit iyang umalis kanina pero mabilis lang iyon para batiin sina Sherra at iyong mama niya nang dumating sila.

I don't know what's with him. I mean, I can actually bond with his cousins and siblings but because he knew that Jared has a crush on me, he disliked the idea of us being on one table. Nakakainis.

Nakakahiya tuloy kayna Sherra na hanggang ngayon ay patingin-tingin sa amin. Even her mom was looking at us.

"Doon na lang ako sa mesa kasama nina Kuya Rico," sabi ko. "Doon ka na muna kayna Sherra. Nakakahiya. Baka kung anong isipin ng mam—"

"Akala ko ba wala ka sa mood makipag-socialize? Edi dito na lang tayo. Kukuha lang ako saglit ng panulak." aniya bago muling tumayo.

I sighed. He's got a point there. Pero totoo naman kasi. Nakakahiya at baka kung anong isipin ng mama ni Sherra. I got a feeling that Hope and Sherra are beginning to start something, especially because Tita Carmen seemed so close with Sherra and her mom. Parang pinagpapares silang dalawa kaya para tuloy akong asungot ngayon.

Um-e-extra. Sagabal.

Hope looked at me grimly when he saw me fixing the strap of my sling bag on my shoulder. Inilapag nito ang dalawang bote ng Smirnoff sa lamesa at nakita ko pa ang iilang patak ng tubig na tumulo sa kulay asul na table cloth.

"Uuwi na 'ko." I finally decided.

"Mamaya na. Ang aga pa, e."

"Hindi, uuwi na ako. May sasabihin daw si mama sa'kin..." I said as I blinked my eyes.

Bahala na. Ito rin naman ang patutunguhan ko. 'Saka... para matapos na. Kanina pa ako nababaliw kakaisip. Ni hindi ko man lang na-enjoy ang okasyong ito kahit paano.

"Hindi ba makakapaghintay?" he asked in a low growl. "Kakakuha ko lang nito, oh."

He tsked before mindlessly sitting on his previous chair. He combed his hair with his fingers.

"Hindi. Pagabi na rin naman, e." sabi ko. "Pupunta lang ako kayna Tita at baka nauubusan na sila ng usapan ng mama ni Sherra dahil hindi mo man lang sinamahan."

He glared at me. "Dami mong alam."

I rolled my eyes before standing up. Inayos ko ang skirt ng dress na suot bago nilapitan sina Tita Carmen. Sherra and her mom became quiet when they saw me getting closer to their table. Iilan na lang ang bisita ngayon at puro na lang nag-iinuman at nagku-kwentuhan.

I smiled a bit. Tita Carmen raised her brows then made a duck face. She probably knew what I'm gonna do.

"Ang aga pa! Alas sais pa lang, e!" aniya.

I heard Hope who scoffed a bit at the back. Sherra smiled shortly at him though.

"Kailangan ko na pong umuwi, Tita." I said simply.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon