3

59 4 0
                                        

3, I don't

Fr: Hope

Slr. Hinintay mo ko? Deadbat ako kanina. Sorry panget

My lips twitched after reading that. Ngayon lang nakapagreply. Nasa panghuling subject na kami ngayon at ilang minuto na lang ay dismissal na. Maingat kong inangat ang tingin sa prof na nasa harap bago nagtipa ng isasagot. The prof can't see what I'm doing, fumbling with my phone, just like the other classmates of mine. Siguro, wala na lang din siyang pakialam. It's our loss if we're not absorbing what she says anyway.

To: Hope

Masarap gulay

Pinatay ko ang phone matapos iyong i-send. I'm planning to annoy him. Ilang saglit lang ay nag-vibrate ang phone ko, hudyat na may bagong notif. Bilis magreply ngayon, ah?

Fr: Hope

Ako masarap

Umikot ang mga mata ko. Muling nasundan ang text niya.

Fr: Hope

Pinagsasabi mo? Gulay? Meron kaba ngayon kinecrave mo yun?

Fr: Hope

Anong klaseng craving yan? Mcdo tayo maya libre ko

Tumulis ang nguso ko sa huling nabasa, pinipigilan ang ngiti. Huwag ko na ngang inisin at baka ma-unsyami pa ang panlilibre sa'kin. I replied okay and he told me he'll wait for me outside of our room. Napa-iling ako. Kikiligin na naman niyan ang mga ibang kaklase ko dahil doon, at syempre, lalaki na naman ang ulo ni Hope. Matapos ang ilang minuto ay muli siyang nagtext.

Fr: Hope

Dito na ko sa labas. Dalian mo na ah wag kana magliptint ganun lang din naman mukha mo

Napatingin tuloy ako sa labas mula sa glass window. Ilang ulit akong tumingin pero wala naman siya.

"Sino tinitignan mo diyan? Makita ka ni miss..." si Anika na siyang katabi ko sa pwesto.

"Best friend mo?" si Chelsea, mahinang tumili.

Napasulyap sa amin ang prof kaya't umayos kami ng upo. Ano ba 'yan, mag-e-extend pa yata ito ng oras, e. Muli kong kinuha ang phone at itinapat iyon sa likod ng mataba kong kaklase na nakaupo sa harapan ko. Usual technique para hindi mahuli.

To: Hope

Ano ba? Wala ka naman, e. Tapat ng room?

Mabilisan muli ang reply niya. Dahil sa tunog ng vibration ay lumingon sa akin sina Anika. Nagkibit-balikat ako at kinagat ang loob ng pisngi, palihim muling gumamit ng phone.

Fr: Hope

Ba't pa ko aakyat diyan e third floor yan? Dito ako sa tapat ng bldg niyo

Hay nako. Minsan talaga magulo kausap 'to. Hinayaan ko na lang at alam ko namang maaawa na ang prof sa amin at palalabasin na rin kami. Ngumisi ako nang magsimula na ngang i-close ng prof ang PowerPoint presentation niya sa klase.

"See you on our next meeting," si prof na ngumiti pa nang tipid.

Wala naman na akong ililigpit na gamit dahil hindi naman ako nagte-take down ng notes. Puro picture lang ako sa mga key words na sinusulat ng kahit sinong prof namin sa board at madalas naman ay ipinapasa rin sa president ng klase iyong mga ppt nila. And then it would be the president's job to send the copy of them on our groupchat.

"Beh, sabihin mo nga accept ako ni Philippe sa Facebook! Kahit sa my day niya na lang ako ma-update!"

Tinampal ni Dyorda sa balikat ang babaeng kaklase na nagsabi nun bigla, pagkalabas mismo ng prof namin.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon