18

45 1 0
                                    

18, Love is

"Hindi ka pa ba nagsasawa?" hindi ko napigilang itanong nang malapit na kami sa kanila.

Tumingin lang siya sa'kin at nagtaas lang ng kilay.

"Palagi na lang tayong magkasama, e. Tapos madalas, sa bahay niyo pa. Doon lang tayo."

"Hindi ako magsasawa basta ikaw."

Tumulis ang nguso ko. "Baduy."

"Sampung taon na tayong halos makasama, Erin. Nagreklamo ba 'ko?" aniya sa malalim na boses. "'Tsaka... huling kita natin na matagal tayong nagkasama, e noon pang sabay tayong nag-lunch sa school, 'di ba?"

Tumango ako. "Pero... lagi tayong sa bahay niyo. Ayos lang sa'yo 'yon?"

"Hindi ba ikaw ang may gusto na sa amin tayo lagi? Kapag sa mall, sabi mo noon, magastos. Kapag sa inyo, nahihiya ka sa parents mo."

"Hindi. Ayos na ngayon kung sa mall. Sabi mo, ikaw na bahala. Sagot mo lahat." patuya kong sabi nang maalala ang sinabi niya kanina sa call.

Gumalaw ang kilay niya pero walang reklamo hindi gaya ng inasahan ko. He manouvered the car and eventually parked it on the carport.

"Anong klaseng pasta ba ang meron?" tanong ko nang nakababa na kami sa sasakyan niya.

"White pasta." walang emosyong sagot niya at nauna ng pumasok sa loob ng dirty kitchen nila.

"Ah... carbonara?"

"White pasta, iyong nilalagay sa ngipin. Carbonara raw..."

I gave him a face and laughed sarcastically. "Funny mo."

"Funny and fogi." aniya at mayabang akong binalikan ng tingin.

Nagpatuloy siya sa paglakad sa harap ko at nakapamulsa. I waved my hand a bit at Optimus before following him.

"Nasa'n si Manang Tutsie?"

Naabutan ko siya at magkasabay na kami. Huminto siya para ituro ang mahaba nilang sofa sa sala.

He shrugged and pointed at the sofa once again. "Diyan ka muna... May titignan lang ako."

I scoffed but did what he told me still. Naupo ako sa malambot nilang sofa at pinagmasdan ang malaki nilang chandelier sa itaas. Siguro kung tumayo ako mismo sa ilalim no'n at biglang bumagsak iyon, ikamamatay ko. Patusok kasi ang ilaw nito at maliliit.

It kinda looks out of place for me with the kind of style their house is having but since this isn't mine, this isn't where I'm living, I'd keep that to myself. Maganda rin naman.

Umalis si Hope at hindi ko na pinansin. Wala yatang tao sa kanila, o baka nasa kwarto lang si Randell at si Tita Carmen naman, baka nasa trabaho pa. Masyadong abala si tita ngayon.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng glass door sa may lanai at ang pagpindot ng ilang beses sa mga switch. The sound of Hope's footsteps continued on making slight echoes all around the corners. Hindi ko siya tinignan at ipinahinga ko lang ang ulo ko sa itaas ng backrest ng sofa. My eyes are closed now, though I can still feel the light's reflection on my lids.

Medyo nagtagal si Hope sa ginagawa. Baka naman niloloko lang ako nito at hindi naman talaga nagluto? At paikot-ikot ngayon dahil aligaga sa paggawa ng paraan para may maihain na pasta sa'kin?

Agaran ang paglingon ko sa gawi niya. He seemed frustrated upon finding something in a drawer, on a wall next to their lanai's door.

Hindi ko nakita ang dinukot niya mula roon at bumalik na siyang muli sa lanai. He spent a few minutes there before getting inside again.

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon