27, I'm pondering
"Lumilipad na naman ang isip ko..." pagkanta ni Dyorda sa isang opm song.
"Lumilipad na naman ang isip ko! Ko!" ani Ethel, tumatawa-tawa pa.
Dyorda held his hand above his chest and even closed his eyes.
"Lumilipad na naman ang isip ko..."
"Lumilipad na naman ang isip ko ko ko ko..." Ethel's head bowed repeatedly as she sang those.
I looked at them lazily. Mga nahihibang na.
"Tigilan niyo nga ako," mabagal na sabi ko.
Tinapunan ako ng maarteng tingin ni Dyorda. Nasa room kami at hinihintay ang prof. Nakasandal ako sa upuan ko habang nasa harapan ko siya, bahagyang nakaikot ang katawan para makita kaming nasa likod niya. He's almost hugging the backrest of his chair.
"Lapit na birthday mo, ah! Lumilipad isip mo kasi iniisip mo pa'no or saan mo kami ililibre, 'no!"
"Ay, oo nga!" sabay tawa ni Ethel. "Club na lang! Sa'yo drinks."
"Bakit doon? Samgy na lang," ani Anika.
Ethel glared at her. Anika laughed as if she knows what that means. Umiling siya.
"Wala pa rin pala..." aniya.
"Okay! E, 'di kayo na may jowa! Ano, Lime? Club ha!" tinapik ni Ethel ang braso ko.
I think I know what their stares mean. Nababagot akong pumangalumbaba sa desk ko.
"Ba't gustong-gusto mo sa club? Dahil lang sa..."
"Anong lang?" she emphasized the last word. "Girl, 'di mo alam ang feeling kapag naumpisahan mo na. Hahanap-hanapin mo, sinasabi ko sa'yo..."
Pahina nang pahina ang kanyang boses. Marahil ay ayaw maiparinig sa mga ibang kaklase. Dyorda nodded his head as if agreeing with what Ethel said.
He even gave me a knowing look. "Nakaka-addict, sis."
I sighed. "Ba't sa club pa, I mean."
"Girl, you don't just go to club to drink and get lost in the blasting music," Ethel whispered to me sensually. "But to get laid and satisfy your needs as well. Isa pa, maraming gwapo."
Lumunok ako at marahan siyang hinawi palayo. Bakit ba siya pa ang nakatabi ko ngayon. Sanang si Iona na lang dahil iyon, madalas tahimik lang dahil masungit nga.
"Marami ring panget, 'thel." humalakhak si Dyorda. "Anyway, syempre kung doon ka, sundan mo lang ang payo ni bebe John Lloyd, ingat!"
Ethel chuckled and pushed my shoulder. "Marami ka pa lang hindi pa alam, girl. Pero alam mo, doon ko gusto kasi hindi naman seryoso ang hanap ko sa ngayon. Alam mo na... kaso ayaw kong gumimik mag-isa. Kaya club na ha! Ikaw taya sa drinks."
I shook my head and huffed silently. Ako pa ang hindi kumportable sa mga pinagsasabi niya. They are really too open to say personal matters to me. Samantalang ako... ang pagbibiro nilang lumilipad ang isip ko, hindi ko naman maibahagi ang dahilan.
What would I even tell them anyway? Guys, my best friend for a decade has developed his feelings for me and he's courting me now. Nililigawan niya na ako at peste, oo, kinikilig ako. So ano? Dapat ko bang i-entertain ang bagay na 'to o hindi? Baka sabunutan pa ako ni Dyorda kung sasabihin ko ang mga iyon.
Kung babasahin ang isip ko ngayon, malalaman sigurado na hindi pa rin maalis-alis sa akin ang takot. Baka kasi magkasakitan lang kami ni Hope o marami pang iba.
BINABASA MO ANG
Unleashed in February (Behind The Month #1)
RomanceLime Erindayle Arevalo, a woman who knows in herself that she's only up for romantic relationship with women like her, never really trusted men except her father and her only best friend, Jose Philippe Andrada. She believes men are more unpredictabl...
