12, And Heartbreak
Nabuo ulit kaming mag-anak para bumisita sa mga kapamilyang matagal ng namaalam. I no longer have grandparents, kay mama man o kay papa. Bata pa lang si papa ay ulila na ito at ang nag-alaga sa kanya ay ang tiyuhin at asawa nito na parehas na ring sumakabilang-buhay. As for my mother, I still had the chance to meet her parents. It's just that it was really a short time to memorize their wrinkled faces because they passed away when I was still so young.
I wish... I know how it feels to be hugged by your lolo and lola. I'm sure it feels magical and warm. Tahimik akong nagmuni-muni.
Kalahating araw ang ginugol namin sa pagbisita sa mga sementeryo. Humiwalay din sa amin sina Kuya Benj para sumama naman sa side ni Ate Maggie. Ganoon din ang nangyari kayna Kuya Oxenn na babalik na pauwi ng Batangas. Si Ate Apple lang ang naiwang kasama namin. Hindi nito kasama ang nobyo sa ngayon.
It was a very peaceful day. Sa sala ako ng bahay namin namalagi habang busy si Ate Apple sa pagbi-bake ng cookies sa kusina. Rinig na rinig ko ang tutorial na pinapanood nito sa YouTube.
I took a nap on the long couch. Nagising lang ako nang magtahulan ang mga aso namin.
"Pssshht!" pagbawal ko sa kaingayan nila.
"May tao," I heard my mom said.
Itinaas ko ang ulo ko mula sa pagkatabon sa unan. Nakaupo pala ito sa isang couch at may inililista na hindi ko maintindihan.
"Huh?"
"May tao sa labas- Oh ayan na pala."
Her eyes darted to someone who's probably standing now at the door.
"Good afternoon, tita."
It was Hope. I snapped my eyes open to see him, and he's wearing a white almost fitted t-shirt and then a rugged pants. He's holding an eco bag in his one hand, while the other one was holding on the door's frame.
Binaba ko ang paa at umayos ng upo. I made a face at him while trying to fix my hair. He's holding back a grin. Alam kong gulong-gulo ang buhok ko dahil sa pagtulog.
Hindi na siya nagtanong o naghintay at basta na lang pumasok at lumapit kay mama. Nagmano siya saglit, itinanong pa kung nasaan si papa pero tumango na lang nang malamang natutulog din ito sa itaas. He smiled at my mom before sitting beside me. Inilagay ni Hope sa center table ang dala niya.
"Ah, kandila po. Naipon ko kanina. Ang dami sa sementeryo, e." sabay lahad lniya roon.
Mahinang tumawa si mama at napailing. "Salamat kung ganoon."
I punched his leg lightly.
"Joke lang," he bit his lip. "Uhm, prutas po 'yan, tita. Pinabibigay ni mama."
Mama smiled a bit. "Pakisabi, salamat."
Kinuha iyon ni mama at sandaling inilagay sa kusina. She came back to fix her things.
"Iiwan ko na lang kayo rito," aniya.
"Huwag na, ma! Uh, dito na po kayo..." I smiled awkwardly. "Sa labas na lang kami."
Lumabas ako at sumunod na sa'kin si Hope. Tumungo kami sa likod ng bahay at umupo sa silyang gawa sa bakal. Kung tanghali ngayon ay hindi magandang tumambay dito dahil dito ang sentro ng sikat ng araw. Ngayon ay ayos na dahil pasado alas singco na rin.
"Erin..." tawag ni Hope kahit katabi lang ako. Kasalukuyan kong sinisipat ang mga kuko ko sa kamay. "'Yong video, 'yong pinagawa mo sa'kin kahapon... burahin mo na."
Tinawanan ko siya. "Ayoko."
"Tss." he shifted on his seat, making the chair shrieked. Medyo pabagsak niya kasing ginawa iyon, mukhang nagdadabog na ewan.

BINABASA MO ANG
Unleashed in February (Behind The Month #1)
RomanceLime Erindayle Arevalo, a woman who knows in herself that she's only up for romantic relationship with women like her, never really trusted men except her father and her only best friend, Jose Philippe Andrada. She believes men are more unpredictabl...