9

49 3 0
                                        

9,  Thoughts

Hindi naman ako gaanong nagtagal kayna Hope. Kumain lang kami tapos umuwi na ako. Hope wanted to take me home but because Sherra was there, hindi iyon nangyari. I'll be willing to decline anyway if he offered more. Mukhang mabait si Sherra at alam kong hindi maganda kung gagawin ni Hope iyon. Wow, e 'di kung mukhang masama siya, okay lang gano'n?

But seriously, Sherra seems like an ideal woman. Kahit hindi pa kami gaanong nagkaka-usap. Bihira lang kasi sa mga naging babae ni Hope ang hindi ako tinatarayan, e. The first one who was nice to me was Colbie, iyong ex niyang mukhang anghel, then now, it's Sherra.

She even smiled at me when I was about to ride on a tricycle.

"Ingat, Erin..." naalala kong marahan niyang sabi.

She even added me on Facebook. I'm sure Hope is aware that she likes him, it's just so visible. Kaunting sabi lang ni Hope, namumula na siya.

Kinaumagahan ay tahimik ulit ang almusal kasama ang mga magulang ko pero hindi nakaligtas ang mabibigat na pagsulyap ni mama sa'kin. She finally pursed her lips before her eyes lingered on me.

"Bring that man you're talking about this Sunday."

Umawang ang labi ko. I nodded my head simply. Sabi ko na nga ba.

"Hindi... niyo po ba itatanong kung... kung sino siya?" dahan-dahan kong sabi.

Para akong nanlamig sa paraan ng titig ni mama sa akin.

"If everything is fine, I'll make sure that that guy is a good one but since I knew that you were with a woman, I don't care anymore. Basta lalaki ang makatuluyan mo, iyon lang ang gusto ko." she said straightforwardly.

Feeling a hallow on my chest, I swallowed the last bite of my bread before nodding slowly. Papa's brows knotted as he blew on his coffee.

Hindi na ako nagsalita. Ilang ulit ang pagkurap ni mama bago ito tumayo. Papa's eyes went to me before putting his cup on the table. He cleared his throat. On the corner of my eye, I can see mama clutching her bag before leaving the dining. Sumunod si papa sa kanya dahil sabay sila ng pag-alis tuwing umaga. Si mama patungo sa eskwelahang pinagtatrabauhan, si papa naman ay ipapasyal ang mga alaga naming aso.

Later that afternoon, I texted Hope about it. I told him that I was right. He'll be with us on Sunday.

Fr: Hope

sige haha

To: Hope

Sabado na bukas. Ayusin mo!

I snorted. Binitawan ko sandali ang cellphone at nang matapos na ako sa ginagawa. Nasa library kami kasama ng mga kagrupo ko para sa isang project, presentation iyon. Pagsasanay iyon para masanay na kami sa pagdidiskusyon sa harapan ng klase o basta sa maraming tao. Sanay na sanay na ako doon kaya nga ngayon ay hinahayaan ko na lang ang mga kasama ko sa pag-uusap.

Fr: Hope

Ikaw ayusin mo. Di mo lang alam baka sa gagawin ko akala mo totoo na

Humalukipkip ako at iniusog ang upuan paatras. Tumaas ang sulok ng labi ni Iona sa akin. Isa siya sa mga ka-group ko.

"Love life pa more..." bulong niya.

I scoffed at her but she just smiled playfully. I put my phone down to join them in their discussion. Medyo mahirap kasi ang topic na ibinigay sa amin. Pero para saan pa ang internet?

"Ito na lang sa'yo, Lime. Dito ka mag-focus," sabi ng leader namin habang may itinuturo sa libro.

Tumango ako at ngumiti. "Sige, walang problema."

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon