39

29 1 0
                                    

39, I kept inside

"So anong pakiramdam na yakap mo ngayon ang crush mo?" tukso ko sa kanya.

"Masaya..." mainit ang bulong niya sa aking kanang tainga.

Humigpit ang yakap niya galing sa likuran ko. Nasa lanai pa rin kami kahit na inaya niya akong doon na raw kami sa kwarto niya. I instantly disagreed with that, my eyes going wide and my cheeks burning. Nawala yata ang kaunting epekto ng alak sa'kin dahil doon.

Never did I thought that there'll be a time I'll be telling him that being here in their lanai is better!

Umismid lang siya roon pero pumayag din naman, kaya nga heto kami... nakasandal ako sa may railings habang nasa likod ko siya. Hindi matigil ang pag-iinit ng pisngi ko. Lalo na't ayaw niya akong pakawalan.

Kinikilig si tanga.

"Masaya?" patuya kong ulit sa kanyang sinabi.

He chuckled a bit and kissed my shoulder. "Oo. Mas masaya nga lang siguro kung nakahubad..."

"Bwisit!" asik ko sabay tulak sa kanya, pero humigpit lang lalo ang yakap niya. "Kaya siguro gusto mo 'kong jowain dahil sa kahalayan mo. 'No, Hope? Ano... gusto mo maghubad ako ngayon? Makikita ako ng ibang tao saktong pagsulyap nila riyan sa may pintuan..."

He kissed my shoulder again before sighing. "Joke lang. 'Tsaka na 'yan kapag mag-asawa na tayo."

Nabuhay ang ngiti sa labi ko dahil doon. Nabura ang munting iritasyon sa kanya.

"Ewan ko sa'yo..."

He chuckled, probably aware of what I'm feeling.

"Mahal mo na 'ko ngayon..." bulong niya.

It's night time but it's like I'm seeing colorful butterflies flying everywhere. I held on the railings tighter, enjoying the warmth flowing on to me.

"Mahal mo na 'ko. Bakit... Mukha ba 'kong babae?" aniya, hindi ko inaasahan.

I smiled and held his face with my one hand. I caressed it slowly and tried to turned my head a little to see him. The top of my head touched his chin. Nakatingin pa rin siya sa'kin.

"Sinabi ko lang 'yon..." sabi ko, tinutukoy ang binanggit ko noon na sa babae lang ako magkakagusto.

He kissed my forehead and snuggled closer on my face. Tuwang-tuwa ang ilong ko sa kanyang amoy.

I missed his smell too. I rested my back on him a bit while hearing and feeling his warm breathing. Muli akong tumingin sa harapan namin.

Nakabukas ang ilaw sa may pader, sa gawing itaas ng pool kaya nakikita ko ang parehong ayos ng paligid. Katulad pa rin ng huling beses kong magpunta rito.

"Baka magbago ang isip mo o ang nararamdaman mo. Natatakot ako." aniya kalaunan.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Wow. Baka ako dapat ang magsabi niyan."

"Tss... higit sampung taon na 'to. Hindi nagbago kahit katiting. Sa'yo ako natatakot at baka may makita kang magandang babae tapos ipagpapalit mo 'ko."

I mocked a laugh. "Ako lang? Magandang babae... for sure pati ikaw mapapatingin doon!"

"Hindi siguro..." he breathed out, still looking like he's in a deep thought. "Ikaw? Sigurado ka na ba talaga sa'kin? Ayokong bawiin mo ang sinabi mo. Hindi ko... yata kakayanin 'yon."

I caressed his face more. "Duwag lang ako, Hope. Pero sigurado ako. Mahal kita. Ikaw ah... gustong-gusto mong inuulit ko."

"Nakakakilig, e." he said and kissed my cheek. He took my hand that's holding his face then intertwined his fingers with mine. "Alam mo ba... Naaalala mo noong eighteenth birthday mo? Dapat talaga aamin na ako noon sa'yo kaso badtrip. Hindi kita ma-solo. Hindi ka iniwan ng mga kuya mo kaya ang sabi ko, baka hindi pa siguro 'yon ang tamang oras. Sabi ko... tangina sige, next year na lang. Siguro naman, pwedeng-pwede na noon, pero nagka-girlfriend ka naman. Ganoon din noong sumunod na taon. Badtrip..."

Unleashed in February  (Behind The Month #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon