Simula

430 11 4
                                    

Simula


Walking in glam and fab, I'm used to making people please me and not the other way around. The reason why I am so caught up in that idea is because of my rearing.

Now that everything's been ruined. My name. My wealth. My everything. There's no reason for me to remain in that ideals. I now wake up to feed myself, work for myself, and be the best that I can be in a life that I have now chosen.

However, I can not just easily erase the remnants of the past. Alalang alala ko pa nang binalaan na ako mismo sa kung ano ang hindi ko nakikita at sa nakikita ng iba.

"Max..."

Umiwas ng tingin si Maximus Colton nang marinig ang pagtawag ko sa kaniya. He sipped on his juice before brutally biting his lower lip, already annoyed.

"I'm sorry, I never thought you are this... serious about me," diretsahan kong sabi kahit na sobrang lakas na ng kabog sa dibdib ko. "I can't fool myself this way. Ayaw ko ring saktan ka."

"Kahit na sinasaktan ka niya?" malalim at nahimigan ko ang galit sa tinig ni Max.

"Hindi niya naman sinasadya."

Nanginig ang kamay ko sa ilalim ng lamesa habang nakatingin sa mukha niya. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito ngunit hindi ko naman siya magawang iwanan ng mag-isa. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at kahit papaano, kaibigan ko pa rin siya.

Max cleared his throat. Sumimsim siyang muli sa juice, tila kinakalma ang sarili sa ginagawa.

"Pano kung hindi ka niya talaga gusto? What if he's only doing this on purpose? What if..." Tumigil siya at marahas na umiling. "I can love you better, Arie. Even if it takes a lifetime, I'm willing to wait for you."

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Nahimigan ko ang ka desperadohan sa kaniyang boses at sa panahong 'yon ay gusto ko nalang na umatras at magsisi na hinayaan kong humantong kami sa ganito.

"Max..."

"I can only ask you one chance for us... for us to work. Just one, Arie."

Nahigpit ang hawak ko sa suot na skirt. I must have been so naive not to notice the difference of truth and lies. Just like how Adel was able to make me believe I am someone special to him.

Umiling ako sa sinabi ni Max. "It won't work."

Ayaw ko siyang paasahin pero ayaw ko ring saktan siya. The longer he waits, the more he will hope for developments in our relationship. Mas mabuting ngayon pa lang, tapusin na ang lahat.

"Not unless we try."

"Max," my voice trembled.

"Please?" Aniya, nakikusap.

Nanginig ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko maiwasang lingunin ang table nina Adel. He was just right there when I last saw him with Debrah and his family. Parang naputol ang pag-asang makahingi ng tulong lalo pa't wala na sila sa dating pwesto.

"When you saw him with Debrah together with his family. What do you think is happening, Arie? Don't you think something's already happening behind your back? At habang pinaglalaruan niya ang puso mo!"

Naputol ang litid na pinanghahawakan ko. I gritted my teeth. For some reason, alam kong may punto siya sa kaniyang sinabi ngunit hindi ko maiwasang hindi magalit.

Hindi ko pa siya nasasagot nang may humila na sa braso ko. Padarang akong napatayo at isang singhap ang pinakawalan nang makita kung sino ang may gawa ng eksina.

"Adel..." bulong ko sa kawalan.

Sana naniwala kaagad ako sa sinabi ni Maximus. Sana hindi ko na hinayaan ang sariling mahulog ng ganito sa maling tao.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon