Kabanata 6

176 7 0
                                    

Kabanata 6

At ease


Tapos na ang morning shift na mga empleyado, so far ay naging matiwasay naman ang mga dumaang oras. Of course, si Harley lang naman yata ang nagbibigay ng init sa ulo ko. Naging busy kami noong gumabi na. Usual daw itong nangyayari dahil masyado raw "lazy" ang mga guest para kumain sa labas. Peak season din kaya expected na halos fully booked ang hotel kahit gaano pa ito kalaki.

Hindi na rin naman ako pinapaakyat sa mga rooms ng mag-isa lang after what happened. May kasama na ako, iiwan lang daw ako kapag kabisado ko na o kung 'di kaya'y sa baba nalang ako, tutulong sa paghahanda ng orders lalo na 'pag ganitong busy.

"Aurora! Seven na, out mo na!" si Devi, ang order taker sa gabi. Mas mabait siya at magaan sa loob kasama kumpara kay Harley, parang si Rolly lang ang vibes. Mas matanda nga lang at medyo may edad na.

Nahihiya naman akong napatawa. Nagkamot pa ng ulo dahil medyo busy pa at nakakahiya kung iiwan ko sila sa ganoong sitwasyon. Tiningnan ko ang relos ko at nakitang lagpas alas syete na ng gabi.

"Sige na, hija. Ayos na kami rito, sanay na!" si Light, night shift din na naka-assign sa service.

"Ah, sige po," pilit akong ngumiti. "Sigurado po kayo, ah?"

"Oo naman! Sus, ke gandang bata, mabait pa!" puna ni Devi.

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Devi. Nagkatinginan kami ni Light at nag-apir. Mas bata siya ng isang taon sa'kin pero mas matangkad. Matagal na raw sa serbisyong ganito, pumasok kaagad matapos gumraduate ng two-year course.

"Ikaw ate Devi, ha! Mambobola ka talaga!"

"Sige na. Shoo!" isa pang bakla naming kasamahan, si Shine 'daw'. Shan sa umaga, Shine sa gabi.

"Hatid ko na 'to. Baka magreklamo pa ang guest," saad ni Light saka pinasan ang tray na may dalawang dish na laman gamit lamang ang kanang kamay.

"Sige po!"

"Dapat wala ka na 'pag balik ko!"

"Opo!"

'Yon nga at mabilis na akong pina-out ng kasamahan ko. May bagong dating na rin naman kaya sinabing kaya na raw nila 'yon. Dumiretso na ako palabas ng building para puntahan ang locker namin. Medyo nawala pa ako kung hindi lang dahil sa nakita kong kaka-out lang din.

Nakisabay na ako sa kanila at tama nga ang hinala kong sa locker nga ang punta nila. Huli akong pumasok at agad na dumiretso na sa harap ng sarili kong locker. Ni hindi ako kaagad nakapagbihis dahil ngayon lang yata ako tinamaan ng pagod.

Hindi ko muna binuksan ang locker at naupo muna sa mataas na parihabang upuan. Isinandal ko ang aking noo sa nakasarang locker at pinikit ang mata. Pinakadulo naman ako kaya hindi ako nakaharang sa daraanan.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pagpikit ko sa mata ng ilang segundo. Nagising nalang ako dahil sa mahinang pagtapik.

"Miss?"

Napaayos ako ng upo. Bahagya kong naramdaman ang pagsakit ng aking likuran lalo na sa batok. Nag-stretch muna ako bago nilingon ang gumising sa'kin.

"Nakatulog ka! Pagod na pagod ka yata," tumawa siya.

Nahihiya akong tumawa dahil sa sinabi niya ngunit walang sinabi.

"May naghahanap sa'yo sa labas."

"Ha?"

Nagkamot siya ng ulo. "Flavio Adriel yata kung tama ang pagkakaalala ko. Parang kanina pa siya nakaabang doon sa labas."

"What?! Anong oras na?!" gulat kong tanong. Sabay naman kaming napatingin sa aming relos at halos mapasinghap ako nang makitang mag a-alas nuebe na ng gabi!

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon