Kabanata 9

130 5 0
                                    

Kabanata 9

del Cielo


Inabot ni Adel ang kaniyang credit card sa cashier na siyang ikinagulat ko.

"You're not serious, right?" hindi ko makapaniwalang sabi.

Mabilis kong inabot ang cash na hawak ko pero nag-aalinlangan pa ang cashier na tanggapin iyon.

"Arie, let me pay for it."

"Ako ang magbabayad! Gift ko 'yan para kay Rolly!" hysterical kong sabi.

Kanina lang ay nagtagal kami sa restaurant dahil marami pala talaga siyang inorder. Ni hindi namin naubos ang pagkain. Tapos ngayon, ito naman ang magiging dahilan kung bakit ulit kami magtatagal.

"Just this once, Arie."

"I told you I have money! My money is enough!"

Mariin niya pinikit ang mata saka pinisil ang dulo ng kaniyang ilong.

"Let's stop fighting, alright? Ako na ang magbabayad..." aniya sa mahinahong boses.

"No! Look, pinaghirapan ko ang savings ko. 'Pag ikaw ang nagbayad, it's like the gift didn't come from me. Walang silbi 'yon, Adel."

"Just consider it a gift from both of us."

Sumama lalo ang mukha ko. Umiling ako saka tinalikuran siya. Mabilis niyang nahagip ang palapulsohan at hinila ako pabalik sa dating pwesto.

"Fine!" iritado niyang sabi at kinuha ang pera sa kamay ko. "Let's settle the payment. Hati tayo."

Oh, God. Here we go again.

"Adel," sinamaan ko siya ng tingin at nagpipigil na sa galit.

"It's too expensive, Arie. Alam kong may paggagamitan ka pa ng pera mo."

Why does he have to always prove a point?

Naiinis kong nilisan ang shop. Binalik niya ang kalahati ng pera na kinuha niya mula sa'kin. Hindi naman sa nanghihinayang ako pero isang beses lang 'to mangyari. Isa pa, si Rolly ang una kong naging kaibigan sa trabaho.

Hindi ko alam kung nakasunod ba siya sa'kin kaya nilingon ko ang pinanggalingang shop. Pinabalot pa ang binili namin kaya medyo natagalan. Ni hindi ko na hinintay kasi andun naman si Adel.

Nagtingin tingin muna ako sa labas ng iilang shops na nadaanan ko. Alam kong may magugustuhan ako at hindi nga ako nagkamali. I saw a pair of sneakers that was displayed inside my favorite store. It was limited edition Dior B23 High-Top sneaker.

I didn't need to look at the price.

If I were the old Arie who's got all the riches on earth, I'd definitely buy it. Pero broke ako... isang hamapaslupang poorita.

"You want that?" tanong ng boses sa likod ko.

Nilingon ko si Adel saka lumunok. Pinilit ko ang sariling umiling.

"Let's go." Sabi ko saka hinila ang hawak niyang paper bag. Tiningnan ko ang nakabalot na gift na nasa loob at nilagpasan si Adel.

I didn't want him seeing me spending so much for all my whims in this lifetime. For sure, kukutyain niya lang ako although hindi naman siya ganung klase ng tao. Maybe because I also didn't want him to see this side of me.

Nilingon ko si Adel nang hindi ko maramdaman ang kaniyang pagsunod. He usually follows me behind, minsan sumasabay. Ngunit nang lingonin ko'y nasa loob na siya ng Christian Dior shop na huli kong pinanggalingan. Mas lalong napakunot ang noo ko at naiinis na pinag-ekis ang braso.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon