Kabanata 3

252 8 7
                                    

Kabanata 3

Kumain


Unang bumungad sa akin ang puting kisame na nagpaalala sa'kin kung anong nangyari bago ako tinakbo sa clinic. Tiyak kong nakarating agad ang balita sa pamilya ko lalo na nang unang bumungad sa'kin ang mukha ng nakatatandang kapatid at nag-aalala.

Mabilis kong tinulak ang sariling maupo dahil hindi lang siya ang naroon, may isa pang lalaki na nasa kaniyang likuran. I gasped when I saw the familiar intimidating man standing behind my brother. Nakita niya ang paggalaw ko at umambang tutulungan ako nang maunahan siya ni Kuya Hans.

"What happened?" hindi ko alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko gayong alam ko naman talaga kung anong nangyari. Somehow, deep inside, I want to save face by denying what really happened.

"You passed out, Arie," Kuya Hans stated as a matter-of-fact.

Napatingin ako sa kaniyang likuran at nakita ang seryoso nitong titig. Oh, and the familiar intimidating aura never really left him.

"Parating na sina Mommy. I'll go meet them. You wait here." matalim niya akong tinitigan bago binalingan ang lalaki sa kaniyang likuran.

I watched as the man uncomfortably shifted from his place and looked at my brother with a more serious look. Nahimigan ko rin ang respeto niya para rito. Isang tingin ang ginawad niya muna sa akin bago muling binaling ang buong atensyon sa aking kapatid.

"Thank you so much for rescuing my sister, Adel. I owe you a lot," saad ni Kuya sa mas kalmadong tinig.

"No problem, Raz," ngisi nito.

Napataas naman ang kilay ko, hindi mapaglagyan ang kuryosidad dahil sa paraan ng pagtawag niya sa kapatid ko. Do they know each other?

Obviously, they work in the same hotel but the question is, are they close?!

"Sasalubungin ko muna ang parents namin," paalam ni Kuya bago pumanhik paalis. Tuluyan kaming naiwan ni "Adel" daw.

Tanging tunog ng alon sa dagat at ang pag-ulan ang naririnig ko habang nakatingin sa kaniya. Imbes na maasiwa ay binalik niya lang ang tingin sa'kin na mas seryoso at naninimbang. Umiwas nalang ako ng tingin.

"Nasa clinic ka," siya ang unang bumasag ng katahimikan. Muling bumalik ang tingin ko sa kaniya at nakitang seryoso pa rin ang mukha.

"Alam ko," gusto kong isagot iyon kung hindi lang ako nahihiya. Siya daw ang nag-rescue sa'kin. I wonder if he caught me before I even fell, wala kasi akong naramdamang sakit sa katawan.

"I warned you already. Look what happened to you," medyo may diin ang kaniyang salita kaya naman napataas ang kilay ko. Hindi ako sanay na pinagsasabihan ng kung sino lang, lalo sa hindi ko kilala.

"I admit na tama ka pero I can commit mistakes naman siguro during my first day, 'di ba?" mataray kong saad, agad kong nakita ang bahagyang pag-iling niya sa sinabi ko.

"Then you should've listened to your boss," taas ang kilay niyang saad, naghahamon. Pinaningkitan ko tuloy siya ng mata.

"Boss?"

He licked his lips, then sent me a wicked smile. Napatulala tuloy ako habang nakatingin sa labi niyang ngayon ay namamasa na.

"Right." ngisi niya na tila ba may na-realize siya.

"What 'right'?" mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Lumunok nga lang bago tuluyang inalis ang tingin sa'kin.

"You're not used to be treated as an underperson. Sanay kang ikaw ang nasusunod, na ikaw ang boss sa lahat ng bagay. How could I forget your brother's warning."

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon