Kabanata 19

106 5 0
                                    

Kabanata 19

Kill


"I talked to ma'am Leigh about it already."

Napasinghap ako at tumayo.

"Wala naman akong sinasabing aalis na ako! I am just letting my wound heal... maybe three days or... a week but I'm coming back!" natataranta kong sinabi dahil sa gulat.

Daddy who looked surprised by my sudden outburst, cleared his throat. Umupo siya ng maayos at tiningnan ang kapatid ko na nasa harap ko. My Dad is sitting on his office chair habang kaming dalawang magkapatid ay sa couch ng opisina niya sa bahay.

"But clearly... after a week, your one month is finished-" Dad continued.

Suminghap ako lalo. "No, Dad! I-I..." nangapa ako ng sasabihin pero wala akong mai-rason sa kaniya.

"Napag-usapan na namin ng Mommy mo ito, Arie. We... don't want to force you anymore labor works."

Force me! Sa tingin ko may gana pa siyang sabihing pinipilit nila ako gayong gusto kong tapusin ang napag-usapan. At hindi pa ako nakakapagpaalam ng maayos sa mga ka trabaho! And...

Pinilig ko ang ulo at tiningnan ang kapatid na nakapangalumbaba sa harap ko. He looked so serious looking at the screen of his phone before raising his brows to look at me.

"What?" he mouthed. Nagsusungit at halatang hindi nakikinig. Kung hindi ko lang tinagal ang titig sa kaniya ay hindi niya mapapansing nagsasalita si Daddy!

"I'm not yet... resigning!" sabi ko, hindi malaman kung tama ang salitang ginamit.

"Hindi ka naman talaga trabahante, Arie..." malumanay na sabi ni Daddy.

"I am a worker for one month! Napag-usapan na natin ang tungkol dito, 'di ba? Isa pa... isa pa... hindi pa ako nakapagpaalam pa! I don't wanna be rude and suddenly disappear the next day without a word."

"Then you'll finish the remaining one week?" He asked, unsure and bothered.

"Oo!"

Pumasok si Mommy sa opisina at nakita ang komosyon. Dinaluhan niya si Dad matapos nitong makita ang paghilot ni Daddy sa kaniyang ilong, hindi maintindihan ang pinaglalaban ng anak.

I don't understand myself, too. After what happened, I should be so afraid of coming back as a labor worker in our own hotel. But thinking about it makes me feel more distant with my colleagues and... Adel, for some reason.

Puwedeng-pwede ko silang bisitahin kahit anong oras o kahit kailan ko gusto! Pero gusto ko namang kasama sila parati... iyong tulad ng dati lang.

"What about it?" si Mommy nang sabihin ni Dad ang delimma-ng kinakaharap.

I looked away when Mom looked at me with wide eyes. She gasped and her hands that was on my father's shoulder fell. Dad stood up and offered his seat but she was already running towards me.

"My guess was right! From the very beginning! Sinasabi ko na nga ba!"

Ngayon, mukhang seryoso na talaga si Kuya Hans na nakikinig sa'min. He looked at me then Mommy before putting his phone on the coffee table.

"Sabi na nga bang ikaw pa ang hihingi ng extension! Hindi nga ako nagkamali! Why? What happened? It was just a guess, you know but... really?!"

"Mom, you don't have to make a big deal out of it. Tatapusin ko lang ang nasimulan at magpapaalam ng maayos. Hindi ako mag e-extend."

"But you are now free! Huwag kang mag-alala dahil hindi na naka-freeze ang accounts mo!"

Pumikit ako at marahang tumango.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon