Kabanata 25

104 2 0
                                    

Kabanata 25

Darkness


They said that while there is light, there is also darkness. It will never coincide just like how happy I was yesterday and now, I am facing my biggest hurdle.

Nataranta si Rolly nang makita akong umiiyak. Sinakop ng maliit niyang kamay ang akin at mabilis akong hinila para sa isang mahigpit na yakap. I sobbed on her chest. Sa gitna nang pang-aalu sa'kin, tumunog ang telepono ko.

In fear of people finding out where I am, I immediately dropped the call and removed the battery.

"Ano ba'ng nangyayari, Arie?" tanong niya nang makita ang ginawa kong pagpatay ng tawag mula kay Mommy.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ngunit naduwal lang ako. Kumapit ako sa upuan niyang gawa sa plastik.

"Ayos ka lang ba? Ano'ng nangyari? Teka, kukuha akong tubig."

"Rolly..." tawag ko upang pigilin siya.

"Teka lang! Maupo ka muna!"

My hands were shaking so much when I tried to sit. Napanatag lang ako nang hatiran niya ako ng tubig.

Hindi na siya ulit nagsalita at hinayaan ako na manahimik. Kahit na nalilito ay nanatili siyang nakaupo sa harap ko, naghihintay kahit na hindi sigurado kung makukuha niya ba ang eksplenasyon sa'kin.

"Kailangan kong umalis dito, Reah."

Bahagya pa siyang nagulat nang gamitin ko ang totoo niyang pangalan. Napalunok siya bago mas nilapit ang upuan sa'kin.

"Saan ka pupunta? At bakit ka aalis?"

"I just want to get away from here..." muling namuo ang luha sa mata ko. Pilit ko iyong pinahid ngunit nag-unahan na ulit itong magsipatakan.

"Arie..." nag-aalala niyang sabi.

Kinagat niya ang kuko at napaisip sa mga sinabi ko.

"H-Hindi ba ito alam ng... pamilya mo?"

Marahas akong umiling. Mas lalong namuo ang kirot sa dibdib nang matanto kung gaano kalaki ang kasalanang nagawa. Lumukob ang takot at natabunan na nito ang katuwiran ko.

"Paano na 'yan? Aalis ka ng bayan o-"

"Aalis akong bansa, Reah!"

"P-Pa'no?"

"Kailangan kong makapunta ng airport." Mariin kong sabi ngunit napahinto nang muli akong makaramdam ng pagkakahilo.

My plan is to first escape the city. Hihiram ako ng damit niya para hindi kaagad makilala. Magko-commute ako papuntang airport at doon kukunin ang passport mula sa maaasahang kasambahay.

Rolly looked hesitant but nodded.

"Masi-sisante ako nito, Arie!" She cried but nodded again. "Promise mo sa'kin na tatawagan mo ako!"

Kahit hindi sigurado ay tumango ako. I told her my plan and she immediately agreed to it. She even packed three sets of dresses. Nagpabaon pa siya ng biskwit sa'kin.

Suot ang isang cap at ang sleeveless dress, lumabas kami ng bahay niya. Nag mask din ako at suot ang isang pares ng doll shoes na pinahiram niya sa'kin. Nagsuot din siya ng cap para hindi kaagad ma trace na posibleng magkasama kaming dalawa.

"Ihahatid kita hanggang airport. May dala kang pera, 'di ba?" Tanong niya.

Tumango ako.

Bago makapuntang highway ay sasakay muna kami sa tinatawag nilang tricycle. I rode this last night on the way here but it's still uncomfortable. Ngunit wala na rin naman akong magagawa dahil ito lang ang mapagpipilian ko.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon