Kabanata 20

107 5 0
                                    

Kabanata 20

Deserving


Tanaw ko ang mapanimbang na titig ni Adel sa'kin. Ilang araw na ang lumipas at nakabalik na ako sa trabaho. I have three remaining days before the official end of my contract.

Marahas akong napalunok at iniwas ang tingin nang hindi ko matagalan ang titig niya sa'kin. Narinig kong bumuga siya ng hangin bago ako pinagbuksan ng pinto.

"My driver is here so you don't have to bring me home," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

He shifted his weight and now his whole body is facing mine. I got distracted because despite my heels, he was still towering over me.

"Really?" malalim ang kaniyang boses at nilapit ang katawan sa'kin.

"Really."

Napataas ang tingin ko nang hindi siya nagsalita. Nakita kong pinasadahan ng dila niya ang kaniyang pang-ibabang labi bago tumango.

"I'll send you to your driver then."

"Hindi na!" malakas kong tutol at akmang lalagpasan siya nang hawakan niya ako sa palapulsohan.

"You've been avoiding my eyes for the last three days. Are you keeping something from me?"

He towered over me more. Umiwas lalo ako ng tingin at sinubukang abutin ang pintuan kung hindi niya lang tinakip ang sariling katawan.

"I'm not hiding anything, Adel."

"What about your brother, Afrial del Cielo?"

Nahuli niya ang baba ko dahilan kung bakit napaangat muli ang tingin ko. Tanaw ko na ngayon ang malalim at ekspresibo niyang mga mata. He's not just handsome, he's very charming. His perfectly proportioned look, deep set of dark eyes that seems to grow darker when mad, and his strong, well-defined jawlines are the things I like the most in him.

Hindi na nakakapagtakang nagkakandarapa ang mga babae sa kaniya. Isa na ako ro'n.

"Why are you asking me about Kuya Rave? Hindi ko alam, Adel."

Mas lalong dumilim ang tingin niya sa'kin, darker than the night. Imbes na magsalitang muli tungkol sa naunang napag-usapan. Binaling niya ang tingin sa likod kong comfort room bago nagtagal ang tingin sa'kin. May papalabas pa yatang mga babae mula ro'n.

"I'll escort you to your car."

Napilitan akong tumango dahil mukhang hindi niya talaga ako pakakawalan hangga't hindi sinasang-ayonan.

The cool aircondition kissed my skin. Mabilis akong naglakad patungo sa sariling locker nang muling naalala ang huling pag-uusap namin ni Hera ng personal.

She's just seventeen and providing for her sister. I don't know if she's lying but during the investigation lumabas talaga na wala nga siyang natitirang kamag-anak, lalong walang kapatid. I was also questioned because I was the last one on her contacts, and before me, there was no one else.

Hindi ko alam kung nakatulong ang statements ko sa kaso niya. She's dead. Gang raped, murdered, and was found with mutilated body.

She was cremated after conducting an autopsy.

"Arie!"

Napasinghap ako at nilingon ang nagsalita. The familiar lobby girl waved her hands at me bago tinuro ang pinto ng locker room. Saka ko lang napansin na muli na namang naglalakbay ang utak ko at nakalimutan ulit ang kasalukuyan.

Sinalubong ako ni Adel na may pag-aalala sa mukha. Nagtagal ulit ako kagaya ng mga nagdaang araw sa loob. Madilim ang kalangitan ngunit may ilaw naman sa mga lamps. Naagaw lang ang pansin ko nang hawakan ni Adel ang kamay ko at pinagsiklop iyon sa kaniya.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon