Kabanata 16

113 5 32
                                    

Kabanata 16

Home


Habang nasa biyahe, nanatili sa utak ko ang pagtataka kung tama bang huwag magpaalam kay Adel. He's busy, right? He's doing the end of the month reports... so it's okay if I don't tell him. Not that he's concerned about me, right?

Hindi ko rin naman siya boyfriend! Pinakilala lang akong girlfriend no'ng huli kasi siguro para iwasan iyong baklang designer.

"Yes, Mom. I'm with my workmates." sabi ko nang makapagpaalam ako thru text na magba-bar. Hindi siya naghihigpit sa'kin pero sa takot na baka ma grounded pa ako, mas mabuting magpaalam ng maaga.

"Workmates? Sino?"

Kinagat ko ang labi at napalingon sa backseat. Nag taxi sila o mas tamang sabihin na kami... kahit gustong gusto kong magpahatid kami sa sariling driver. Syempre, nakisabay na ako at baka mabuko pa.

"Sina Rolly at Harley, Mom."

"You told your brother about this?"

Napailing ako.

"Busy siya sa... I mean, the executives are busy with the end of the month reports, right? Kaya sa'yo ako nagpaalam." medyo hininaan ko pa ang boses para hindi nila marinig.

"End of the month reports? Hindi naman 'yon busy sa gano'ng bagay, Arie. Iba ang pinagkaka-abalahan no'n."

Bumuga ako ng hangin, hindi interesado.

"So, anong oras ka uuwi?"

Napatingin ako sa relos na suot at nakitang alas syete na.

"I don't know." Nagkibit ako ng balikat. Pero may pakiramdam akong maaga ako uuwi dahil hindi ko rin naman kilala ang mga naroon. But of course, since it is an exclusive bar, I may actually meet someone from the circle.

"May trabaho ka pa bukas."

"I know." Umirap ako saka tiningnan ang kuko na wala nang designs, isa sa pinagbawal ni Mommy sa'kin nang pagtrabahuin niya ako sa hotel. Well, it's part of the protocol.

"Hindi ako magpapa umaga."

"Really, Arie? I know you."

"Mom, mamaya na kita tatawagan ulit. Malapit na kami." sabi ko kahit na hindi pa naman. Gusto ko lang ibaba ang tawag dahil paniguradong magtatagal pa siya kung hindi ko bababaan.

"Alright. Call me so that I will know if you're going home. Ako mismo ang susundo sa'yo."

"Ha?!" nagulat ako.

Humalakhak siya sa kabilang linya.

"Bye."

"Mom, baka magtagal-" naputol ang sasabihin ko nang siya na mismo ang nagbaba sa tawag.

Napabuga ako ng hangin at napahawak sa noo. I wonder if she's bluffing o baka totohanin nga.

"Kumain muna tayo bago pumuntang bar?" suhestiyon ko dahil mukhang hindi pa kami naghahaponan at baka mamaya, maglasing pa ang dalawa.

Sumang-ayon ang dalawa. We dropped by in a not-so-fancy restaurant and dined-in.

"Ako na ang magbabayad since ako naman ang nag-imbita-" naputol ang sasabihin ni Harley nang tumaas ang kilay ko.

Nalaglag ang panga ko sa sariling ginawa. Hindi sanay na nili-libre dahil ako palaga ang nagbabayad sa mga lakad kasama ang mga kaibigan, except Adel who seemed to love to spend a lot.

"Ako na ang magbabayad." Anunsyo ko. Napatingin tuloy ang mga tao sa paligid.

I cleared my throat and forced a smile.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon