Kabanata 13

116 5 0
                                    

Kabanata 13

Date


"You were so rash on your duty. Do you usually work like that?" aniya nang maipasok niya ako sa loob at siya na rin ang nag-ayos ng trolley na medyo nabulilyaso.

"No!" depensa ko sa sarili.

Giniya niya ako papasok ng kaniyang bathroom kaya bahagya akong napahinto.

"Let's get your hands cleaned up before it gets infected."

Hawak ang kamay ko ay pinaandar niya nga ang faucet at tinapat ang sugat ko ro'n. Medyo nag-crouch pa siya dahil sa katangkaran. Una ko talagang napansin pagkapasok sa kuwarto niya ay ang malinis at organisado niyang mga gamit.

His bed is facing the city view dahil medyo malayo layo sa ocean wing ang room niya. Kahit na gano'n ay nagawa ko pa ring mamangha dahil napakaaliwalas ng kalangitan at medyo magubat na nakapalibot sa resort.

"Sit down," aniya, tinuro ang gilid ng bathtub.

"Kaya ko naman ang sarili. Ako na rito-" bukod sa naiilang ako'y hindi ko alam kung anong iisipin ng mga housekeepers sa labas which reminds me sa dapat kong sabihin sa kaniya. Kaya lang, hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Ako na." aniya at masama akong tiningnan.

I sighed and looked inside his bathroom. It smells like manly shampoo and perfume. Kagaya man sa iba pang rooms ang pagkaka-desiny ay may pagka-exclusive ito. Marahil sa posisyon niya sa hotel.

"So why were you so rash? Something happened?" tanong nito, pilit binabalik ang dating usapan.

"Wala."

"But you looked so mad. What made you so mad that you have to abruptly get in without my consent?"

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang medyo nagdurugo pang kamay.

My forehead ceased and the humiliation I felt never really came back as soon as we entered his room. Maybe because we had some privacy. Just now that he reminded me of my stupid actions and humiliating imaginations.

"I'm sorry, did I disturb you or something?" tinaasan ko siya ng kilay at bahagyang nag-iba ang tono ng boses.

"Nothing of that sort."

"I tried to shout room service at ilang beses pang pinindot ang doorbell pero walang sumasagot!"

"I failed to hear it since I don't usually order room service. Kapag housekeeping naman ay naka schedule na ang paglilinis kaya wala ako sa loob sa tuwing nagha-housekeeping."

"So you never had any guests or workers come here?" kuryoso kong tanong at kinunotan siya ng noo.

Nagtaas siya ng tingin habang nanatiling nakaluhod. Tapos na niyang lagyan ng band aid ang sugat pero tinitingnan pa ang palad ko sa posibleng sugat na nakuha kanina.

"None," muli niyang binalik ang tingin sa palad ko. Marahan niya pang hinaplos ang naka-band aid na sugat.

"Or maybe there's one."

Halos mag-abot ang kilay ko sa bigla niyang sinabi. Ang panatag kong loob kanina sa narinig ay bumalik sa pagiging hysterical.

"What?" gulantang kong sabi.

"What?" gulantang niya ring sinabi, hindi lang maitago ang pagkaka-aliw sa naging reaksiyon ko.

Mas lalong nalukot ang mukha. At bago ko pa man din mapigilan ang sariling bibig ay bumuka na ito, tila may sariling utak.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon