Kabanata 31

137 2 0
                                    

Kabanata 31

Uuwi


"Thank you," sinabi ko nang matapos sa paglalagay ng earings ang make up artist ko.

"You look stunning, Arie!"

Natawa ako. "Thank you. So, what do you want?"

"Kahit iyong kapatid mo nalang, Arie!"

Mas lalo akong natawa na mabilis niyang sinabayan.

"Alin sa dalawa?"

"Kahit sino sa dalawa o kung pwede, silang dalawa!" bigla siyang tumili na para bang kilig na kilig sa ginagawang pagpapantasya.

"Stop it, Renz!"

"Kasi naman, ang ga-guwapo!"

"Saan banda?" Tumawa ako at pinagmasdan nalang ang sarili sa salamin.

Those two brothers of mine are slightly alike in features dahil kopyang kopya talaga mula kay Dad. It's just that the oldest, Hans, is serious while Afrial or we sometimes call Rave is a bit of a joker. Ngayon lang naging ganito ka seryoso dahil sa issue tungkol kay Hera.

"You don't know how to look at a man properly, Arie! Kaya ka walang boyfriend!"

"I have!"

"Weh?!" aniya na parang gulat na gulat.

Umikot ang mata ko at napailing.

"It's true!"

"Sinong malas ang pumili sa'yo?!"

The gay make up artist, Renz, exclaimed when he learned that I am in a relationship with Adel. He knew him because his name is big in business and social gatherings kahit na hindi pa ito ang humahawak sa kompanya nila.

"Good catch, Arie! Kapag tapos ka na, ibigay mo sa'kin, ah!"

"Hindi ko ibibigay!" Namura ko pa siya dahil sa biro niya.

Kalaunan, hinatid na ako sa venue ng nasabing bar. It was exclusive for the said party.

I am wearing a tight fitted black tube dress to follow the dress code, it complemented well with my fair skin tone. Naka black stiletto rin ako at isang terno pouch para sa suot.

I blended well with the crowd despite the fact that I am not familiar with the faces here. May iilan pang nasa media pero hindi naman ako kilala kaya ayos lang. May entertainers at isang maliit na program pero mabilis lang natapos. Of course, Debrah was the center of it all.

Lumakad ako papuntang bar para kumuha ng orange juice at dahil mag-isa lang, hindi mapigilan ang mga lumalapit na mga lalaki. The man who sat beside me and offered me a drink which I kindly rejected is the fifth one.

"Kanina pa kita napapansin, how are you related with Debrah?"

Nilingon ko siya at napansing pinaglalaruan nito ang rim ng kaniyang baso.

"Friends?" natatawa kong sinabi kahit hindi naman talaga. Naghihintay lang ako ng tiyempo na mapansin ni Debrah dahil halos lahat ng galaw niya, kaagad siyang pinapalibotan.

"Hindi sigurado?"

Tumawa lang ako. Akala ko titigil na siya dahil hindi ko na sinagot kaya nagulat ako nang mag abot siya ng kamay.

"I'm Jaxon Labrador and you are?"

Tumikhim ako at tinanggap ang kamay niya, "Arie del Cielo."

He gasped. Unti unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon