Kabanata 29

96 2 0
                                    

Kabanata 29

Drugs


"That's for you," ani Viktor.

Umiling ako.

"I can't accept this."

"You need it. Para mas madali kang ma contact."

"I don't need cellphone, Viktor."

Umiling siya.

"Paano kung kailangan mo ng tulong? You're pregnant..."

Napahawak ako sa tiyan at marahang sinandal ang likuran sa malaking puno ng kahoy. Umiling ako at magsasalita sana nang maramdaman ko ang pagsipa ng bata sa loob ng tiyan. Akala ko guni guni ko lang pero muli kong naramdaman ang pagsipa.

Napasinghap ako at nanlalaki ang matang tiningnan si Viktor. He looked concerned when he looked at me.

"Are you okay?"

"The baby moved!" masaya kong sabi at hinawakan ang kamay niya para ipatong sa tiyan ko.

It moved again!

Malaki ang ngiti nang magkatinginan kami. He laughed as he caressed the bump on my stomach.

"Your baby is reacting."

Tumango ako.

"Sinabi ko kasing kailangan mo nga ng cellphone. Kasi paano kung may emergency, Rafy? Mas mabilis mo akong mako-contact kung mayroon ka nito. At mas mapapanatag din ako lalo pa't abala sa clinic nitong nakaraan."

Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Having few remaining days in this small island, pakiramdam ko hindi na kailangan no'n. But I could not deny the safety precautionary measures I can give to my baby if ever something happens kaya tinanggap ko rin kalaunan.

"Naririnig kaya niya ako?"

"Normally, yes, Rafy..."

Ang kamay ni Viktor nasa tiyan ko nang maabutan kami ni Adel na papasok ng apartment. Parang may hinahanap pa siya bago tuluyang napahinto nang magtama ang mata namin.

I swallowed and straightened up. Naaalala ko pa rin ang pangyayari kagabi at alam kong siya rin.

"Sa Lunes, pwede tayong bumisita para sa check up."

"Kahit anong araw." I whispered.

Adel watched us with menacing look on his face. With bloodshot eyes and lips in a grim line, he marched towards us carefully.

Tinanggal ko ang kamay ni Viktor sa tiyan at suminghap.

"L-Let's go? Magbibihis pa ako..." palusot ko lalo na nang mapansing papalapit na si Adel sa puwesto namin. He stopped when he saw me getting away from Viktor.

Kung hindi dahil sa abalang trabaho sa bar, hindi mawawala sa isipan ko ang huling sinabi ni Adel kagabi. Sunday came and Viktor suggested I should stop working. Pumayag ako syempre, I don't have plans on staying any longer in this town.

Masama akong tiningnan ng manager nang magpaalam akong mare-resign. Hindi ko sinabing buntis ako pero talagang nagtagal ang tingin niya sa tiyan ko.

"Sa susunod na Linggo ako aalis, sir."

Umikot lang mata niya at halos araw araw yata simula no'n pinariringgan niya akong aalis kung kailan abala ang bar.

Nang mag Lunes, nagpa check up ulit ako, sinamahan pa rin ako ni Viktor ngunit hindi na naihatid sa apartment dahil may trabaho sa clinic. Mukhang busy nga kasi maraming tao sa waiting area.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon