Kabanata 11

121 5 0
                                    

Kabanata 11

Control


Sinubukan kong pakalmahin ang sarili dahil sa dami ng iniisip. Dumagdag pa sa sakit ng ulo ko ang nakitang sensual na paniningin ng bruhang babaeng kalandian ni Adel! At ang lakas ng loob, sa opisina pa talaga ginawa!

"Wala nga kasing ginagawang masama si Diego!"

"Diego," he whispered on my ear, almost mockingly, iritado at namumula na ang mukha. Kung paanong gano'n nalang siya kalapit sa'kin, hindi ko alam!

At anong problema niya?! Siya pa itong may ganang magalit, eh siya naman ang nakikipaglandian sa gitna ng trabaho!

I motioned Diego to go at nagmistulan naman itong tuta na sumunod, halatang takot dahil baka madawit pa sa galit at hindi malamang ugat nang nagngangalit na si Adel gayong wala naman siyang dahilan! Isa pa, siya ang nakikipaglandian! Porke gwapo ay akala puwedeng gawin kahit saan!

"What was that all about? Pinagtatanggol mo?" bahagyang nagtagpo ang kilay niya. Napadila din siya sa pang-ibabang labi bago iyon kinagat ng sobrang rahas. Iritang-irita ang mukha. Kahit na galit na galit ay mas lalo lang siyang guma-gwapo sa paningin ko.

"Tinatawag ka sa banquet!" pilit kong isinantabi ang sariling interes at inalala ang banquet.

"Bakit mo pinagtatanggol?" mahina at mababa niyang sabi, pinkatitigan ako sa mata at naghintay ng isasagot.

"Sabing tinatawag ka sa banquet ni sir Rem!"

Bumuga siya ng hangin bago nagngingitngit sa galit na gumalaw para bigyan ng distansya ang isa't-isa.

"Flavio! What are you doing? I thought you're going to the banquet hall?" unti unti kong narinig ang yapak ng stiletto ng bruhang impakta.

"Sa likod ka hinahanap! Hindi sa hall mismo!" tumaas muli ang altapresyon ko at mabilis na pinasadahan ng tingin ang babae na palapit nang palapit. Masama ang tingin ko sa kaniya at dahil nakatingin sa kaniya si Adel ay marahan siyang nagngingiti tuwing titingnan ako. Kuryoso.

At tinatawag pang Flavio si Adel, eh pwede namang Adel nalang! Ang daming arte!

Muling sinara ni Adel ang pagitan namin.

"Why are you so mad?"

Hindi ko mapigilan ang sariling hindi rin siya samaan ng tingin. I never thought he'd be the kind of guy who'd do it without ado inside an office when they can do it elsewhere! Isa pa ay hotel ito at pwedeng pwede silang mag book ng room. Bakit kailangang lantaran pa?!

"Pwede bang ayusin mo muna ang sarili mo?" ako at tinulak siya palayo. Nagpatinag siya at hinayaan ako sa ginawa. "Iyong presentable sana," sabi ko na puno ng sarkasmo, pinasadahan pa ng tingin ang kaniyang gulong-gulong necktie at kwelyo.

"Arie," aniya nang makita ang pagtalikod ko. Inaayos niya palang ang sarili ngunit hindi ko na hinintay pa.

Magsama sila ng bruha niyang babae!

Hindi ko alam kung bakit sobrang sama ng loob ko. Alam kong gustong gusto kong sabunotan iyong bruha at gustong gusto kong ingudngod ang mukha niya sa batu-batong beach part ng hotel!

"Arie!" dumagundong ang boses ni Adel sa hallway at rinig iyon ng mga dumadaan. At dahil hindi ko naman kilala ang mga 'yon, hindi ko pinansin si Adel at nagpatuloy sa paglalakad.

I heard his footsteps behind me, fast approaching. Isang hila ay dumiretso ang katawan ko sa kaniya, ang mukha ay nakasubsob sa kaniyang dibdib.

Nanlaki ang mata ko at mabilis siyang itinulak dahil sobrang daming taong usisera. Kilala si Adel dahil malaki at importanteng tao siya ng hotel at halata pa sa suot nito. At kapag kumalat na may kayakapan siya sa hallway ay magiging big deal iyon!

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon