Kabanata 12

116 5 0
                                    

Kabanata 12

Room Service


Natapos ang gabi at hindi ko alam kung ilang beses kong sinubukang tanggalin sa utak ko ang sinabi ni Adel. Kung hindi pa siya pinatawag ng Kuya ko pabalik sa hall ay baka nagtuloy tuloy nga ang usapan.

Kaya naman sa mga sumunod na araw ay todo iwas ako sa kaniya. My legs shake sa tuwing nagkikita kami, my feet would move on its own whenever our paths cross. Sa tuwing may engkwentro ay palagi akong naghahanap ng dahilan o 'di naman kaya'y tulad ngayon, sinisiguro kong may kasama para hindi siya makausap.

"So, kumusta ang trabaho?" nakapangalumbabang tanong ni Mark.

"It's fine," tumawa ako bago binaling ang tingin sa pagkain. I wanted so bad to leave him alone because whenever there's Mark Bueno, there's also Adel. Pero ayaw ko namang maging bastos lalo pa't nagkasabay kaming pumasok ng canteen. Hindi naman nito kasama ang iniiwasan kaya hindi ko na inisip pa.

Tumango siya at marahang tumawa kaya naman napataas ang tingin ko.

"There's one person who is not fine," natatawa niyang sabi.

"Ha?" Nakakunot ang noo kong tinitigan siya.

"Wala," umiling pa siya at nilabas ang cellphone.

Nagbaba muli ako ng tingin at pinaglaanan nalang ng atensyon ang kinakain. I feel relieved knowing that Adel's not with him at ayaw ko ring makasalamuha siya. Apat na araw akong matagumpay na iniwasan siya, I'm sure I can do it for the rest of the days that I'll be working here...

But the thought of it bothered me.

Tulala kong tinitigan ang pagkain at napalunok. I have a crush on Adel and he admitted last time we talked that he likes me, too. I've never been in a relationship because it never really interest me but right now, pakiramdam ko may kulang sa'kin kung sakaling hindi na nga kami mag-usap ulit.

"Here comes the devil," bulong ni Mark sa harapan ko. Kahit tulala ay pakiramdam ko sinadya niyang iparinig sa'kin 'yon.

"Ha?"

"I thought you're fine working? Bakit parang lutang ka yata sa tuwing kausap kita?" Natatawa niyang sabi. Ilang beses akong napakurap kasi tama siya, ilang beses na rin akong napagsabihan sa departamento na masyadong naglilipad ang isip kaya walang tamang nagagawa.

"Hindi ako-" hindi pa ako natatapos nang natakpan ng isang anino ang table namin. I looked behind me and saw an angry-looking Adel.

His eyes dropped on me before landing on Mark Bueno who looked amused with what's happening.

Tiningnan ko ang pagkain at hindi pa nangangalahati ang kinakain. At salad 'yon kaya parang hindi talaga na kuhanan. He did not let me pass when I tried going out of the table dahil nakadikit ang table na napili ni Mark Bueno sa pader kaya walang ibang daanan.

He grabbed Mark's phone and took a seat beside me, caging me with the wall and his body. Padabog niya rin halos ilapag ang sariling pagkain.

"Aalis na ako."

Hindi niya ako pinansin. Nanatili ang tingin nila sa cellphone ni Mark Bueno.

"Where's the photo?" aniya sa malamig na boses.

"What photo?" inosente namang tiningnan ni Mark Bueno si Adel, nagpipigil ng ngiti.

Adel glared at him and he immediately surrendered.

"I deleted it okay?" natatawa niyang sabi.

Napakunot ang noo ko sa pinag-usapan nila at hindi malaman kung ano iyon. At dahil katabi ko si Adel ay kita ko ang ginagawa nitong pag scroll sa gallery. He went to his contacts and opened a message.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon