Kabanata 28
Cake
When we went out of my room, we found Adel leaning on the wall in front of my bedroom. Kaagad siyang umayos ng tayo nang makita kami. With a scowl on his face, he followed our movements with his eyes.
"Tara," aya ko kay Viktor.
Dumiretso kami sa maliit na hapag. Buti nalang at walang katao tao ro'n. Ayaw ko na ring isipin na baka pumuslit din sa hapag si Adel. Mabuti nalang at hindi nangyari!
"So, tutuloy kayo?"
"Hindi, Rafy," ulit ni Viktor habang seryosong nakamasid sa paglalakad ko.
Nilingon ko siya ng may kunot sa noo. "Bakit?"
He sighed. Parang napapagod na siya sa mga tanong kong... paulit ulit.
"Sasamahan kita mamaya. Magpapa check up tayo."
Suminghap ako at nagulat sa sinabi niya. Parang nabanggit na niya kanina ito sa hapag pero hindi ko maalala kung kailan o saang banda habang kumakain kanina.
"Sorry?" sabi ko, hindi pa rin maintindihan ang pinag-uusapan.
"You're spacing out so much, Rafy."
Napahawak ako sa noo ko at tumango.
"I'm sorry."
"Mamayang alas tres, babalik ako para sunduin ka. Don't worry, as I said, I already scheduled you an Ob-gyn beforehand."
Parang sa lahat ng sinabi niya, ngayon lang nag sink in lahat. Hindi na rin siya nagpahatid kaya dumiretso na ako sa hagdanan para umakyat nang mahagip ng mata ko si Adel na nakaupong mag-isa sa tanggapan, hawak ang isang newspaper.
Now that I know he's here, he is now comfortably showing me that he's also staying here?
Kinagat ko ang labi at umakyat na lamang, binabagabag kung narinig niya ba ang pinag-usapan namin ni Viktor o hindi. Maliit lang ang lugar pero bakit hindi ko napansin na nasa tanggapan pala siya!
That afternoon, I still found him lurking around the area. Staring at me whenever he sees me go out of the room or out of the apartment.
Nang sunduin ako ni Viktor, nasa labas naman siya kung saan siya nanggaling kagabi. Nagka kape ulit habang nakaharap sa kaniyang laptop. Ngayon ko lang din napansing may set ng outdoor table and chairs. He must be the mastermind of it!
"Let's go?"
Giniya ako ni Viktor palabas ng gate. Nahagip pa ng mata ko ang paggalaw ng panga ni Adel bago siya tuluyang nawala sa paningin ko.
"The clinic is small and it doesn't have complete facilities but I hope you'll be fine with it."
"Ayos lang, Viktor."
Tumango siya.
"Dadalhin sana kita sa bayan pero tulad dito, hindi rin kompleto ang pasilidad do'n. Mabuti na ring dito kasi malapit lang at hindi na tayo mahirapan... baka rin ayaw mong pumunta ng bayan..."
I nodded and smiled.
"Salamat."
Narating namin ang maliit na clinic. Binati pa si Viktor ng guwardiya, mga nurses, at iilang doktor nang pumasok. He smiled and greeted them back.
"Good afternoon, Rina." He greeted a woman of his age. Nang tumayo ay natanto kong matangkad siya, lalong tumangkad dahil naka heels.
"Good afternoon, Vik!" Ngumiti siya at pinasadahan ako ng tingin. "Good afternoon, Rafy... am I right?"
BINABASA MO ANG
Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)
RomanceSpoiled and rotten brat, Nieves Aurora Fe del Cielo sets her own standard in life. Kaya naman nang mapadpad siya sa pinakamababang posisyon sa kanilang hotel - na kailanma'y hindi niya aakalaing magagawa ng magulang niya, kinailangan niyang patunaya...