Kabanata 14

116 5 16
                                    

Kabanata 14

Towel


Just as planned, we went to his family's personal designer. He is also a well-known fashion designer in the industry who he graduated outside the country and probably with many connections, too.

"Good day, Flavio!" malandi at personal na sinalubong ng bakla si Adel. Tumingin din kaagad sa'kin at sa nakapulupot na kamay ng katabi ko sa baywang.

Kanina pa 'to at kung wala sa baywang ang kamay ay pinagdidiskitahan naman ang kamay ko sa kaniya.

"Good day! I guess you're Nieves Aurora? I'm Honey." ngumiti siya at nakipagkamayan sa'kin.

"Hello, good afternoon."

Lumapad ang ngiti niya nang balingan si Adel.

"Ka anu-ano mo, Flavio? Pinsan?" kuryoso nitong tanong.

Nawala ang ngiti ko sa labi na pilit ko pang dini-display. May mag pinsan bang nakapulupot ang kamay sa baywang!?

Adel chuckled beside me.

"My girlfriend."

"Girlfriend?!" gulantang na sabi ng bakla at nilingon ako bago muling binalik kay Adel.

"Girlfriend?!" gulantang ko ring sabi.

"Can you show us your new designs?"

Umismid ang bakla at tinawag ang isa sa mga babaeng nakahilera, tingin nang tingin sa gawi namin.

"Guide them to the room, Leni!"

"Why? Where are you going?" biglang tanong ni Adel.

"Hindi mo naman sinabing mami-miss mo pala ako kaagad!" tumawa ang bakla at lantaran talagang pinapamukha sa'kin ang panlalandi kay Adel.

The 'Leni' sales woman or associate or whatsoever walked towards us habang nagngingiting nakatingin kay Adel.

"May tatawagan lang ako. Pero kung gusto mo, samahan na kita!" tumawa ulit ito.

Tinanggal ko na ang kamay ni Adel dahil mukhang hindi pa sila matatapos sa usapan ng baklang designer at nilingon ang sinasabing si Leni.

"Let's go," sabi ko at isang beses na nilingon si Adel na nakataas ang kilay na nakatingin sa'kin, marahil sa pagtatanggal ko ng kamay sa kaniya.

"Ah, dito po, ma'am." Nakalahad ang kamay ng babae at giniya na nga ako sa isang pribadong silid sa likod ng napakalaking salamin.

"If you want to check out some of our women's dresses and bags, you can proceed to the next room but if you'd like to take a look at the less expensive designs of Mr. Henry, pwede rin po rito."

Henry! At ang pakilala nito sa'kin Honey!

Umiling ako at namangha sa nakitang mga designs. Henry or this Honey is not just for show dahil mukhang may ibubuga naman pala. I just didn't like the way he cling to Adel... and call him Flavio at that! Parang 'yong bruhang impakta lang na nakalandian nito noon!

Narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino 'yon dahil yumuko pa ang babaeng si Leni para galangin ito.

"Are you interested?" he asked as he went back to wrapping his arms around my waist.

"Maganda."

"Mas maganda sa kabilang room. Wanna go?"

Tatango na dapat ako kung hindi ko lang nakita ang isang design na hindi ko pa yata nakikita sa internet.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon