Kabanata 8

162 7 0
                                    

Kabanata 8

Fine


That's why Jamie Zabala is familiar. Isa siya sa rising actress sa buong Pilipinas at anak ng business partner ng kompanya. Kung hindi lang dahil sa chismosang bibig ni Harley ay hindi ko malalaman kung sino ang Jamie'ng iyon.

Pagkatapos ng nangyari, ginawa ko ang lahat hindi lang siya makasalubong ulit. Gustuhin ko mang umalis sa pinangyarihan, hindi ko naman pwedeng iwan ang trabaho. Buti nalang hindi klaro ang talsik sa'kin dahil sa ibabang parte lang naman ng damit ko natamaan.

"Gusto mong sumama mamaya?" tanong ni Tristan sa'kin.

Nag-aayos kami ngayon ng table clothe dahil wala namang order. Gumagawa ng rounds si Rolly sa Left Wing, naiwan lang kami Tristan kasama si Harley.

Kanina ay nag-uusap lang sina Tristan at Harley pero mukhang hindi naman interesadong makinig si Tristan lalo pa't tungkol naman sa showbiz ang pinag-uusapan.

"Wait, don't tell me you're inviting her, Tristan?" nakataas ang kilay na tanong ni Harley.

"Oo. Bakit? May problema ba?"

Umikot ang mata ni Harley, halatang iritado.

"Bakit mo siya isasama? Hindi naman siya kasali sa usapan."

"Ayos lang, Kuya Tris.."

"Hindi." Umiling si Tristan. "Kasama ka sa team, saka close kayo ni Rolly, hindi ba? All the more na dapat kang sumama 'pag gusto mo."

Harley groaned. Bumalik siya sa loob ng order taker's room saka padabog na naupo sa plastic na upuan.

"Eh, mauuna kayo ng out—"

"Alas diyes ang plano namin. Magba bar kami..." nagkamot pa siya ng ulo.

Biglang nanlaki ang mata ko. Magba-bar sila? Miss ko na ang mag bar!

"Birthday kasi ni Rolly. Sana makasama ka. Su-sorpresahin namin 'yon. Tiyak magugulat 'yon na kasama ka."

"Birthday niya!? Bakit wala man lang siyang nababanggit?"

"Nahihiya 'yon. Hindi rin naman 'yon nagsasabi. Gusto lang namin sopresahin."

"Wala akong gift! I didn't even prepare anything!" gulat kong sabi.

Umiling si Tristan. Mukhang natatawa sa nakita.

"Hindi naman siguro mag-iisip ng masama si Rolly dahil lang wala kang gift sa kaniya. Kahit pagdalo mo'y baka pasalamatan ka pa."

I've been preoccupied with Rolly's birthday celebration the whole day. Nung break ko ay muntik ko pang hindi mapansin ang nag-aabang na si Flavio sa labas ng department namin. As usual, nakapamulsa at nakahilera sa labas, nililingon sa tuwing nadadaanan.

"How's work?" tanong niya nang maka pwesto kami sa usual seats na ino occupy namin tuwing break.

"Ayos lang."

Tumango siya.

"Hindi mo na ba nakakasabay sina Mark?" taka kong tanong. Ako na kasi halos ang nakakasabay niyang kumain. Not that I'm complaining. Nagtataka lang.

"Why are you asking about Mark?"

"What?"

"Do you have a crush on him?"

Bahagya akong natawa. Hindi ko akalaing may iba pa pala akong magiging crush matapos niyang sabihin na may crush ako kay Max. Sobrang dami naman!

"Bakit ka tumatawa?"

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon