Kabanata 7

155 7 3
                                    

Kabanata 7

Crush


The day after the funeral, ki-nailangan naming umuwi ni Kuya Hans dahil abala kami sa trabaho sa hotel. Naiwan lang ang pinsan kong si Aiana sa probinsya. Roon na rin siya magta-tapos ng kolehiyo. Her sister, Sorene, said, it was her mother's punishment for all her bad deeds.

Looking back, hindi naman siya ganoon ka liberated. I don't know what exactly happened to her in the past few weeks. Not that I didn't care, wala lang kaming communication after the incident that happened until grandma's funeral.

Malalim ang iniisip ko habang naglalakad patungo sa girl's locker room. Mas maraming tao ngayon. Na-brief ako kahapon na may double wedding na gaganapin sa may beach area.

"Good morning," isang baritonong boses ang narinig ko.

Halos mapatalon ako dahil sa gulat. Nilingon ko si Adel na may dalang radio sa kaliwang kamay, ang isa ay nasa loob ng bulsa. He looked serious and dashing with his white suit. Mas lalong na-depina ang pagkaka-puti niya dahil sa suot. Ang kaniyang mata ay nagniningning sa ilalim ng sikat ng araw. Malakas ang hangin ngunit hindi nito nagalaw ang kaniyang buhok na naka-gel ata.

"Morning," ngumiti ako at lumunok. Abot tahip ang kaba sa aking dibdib kaya hindi ko kaagad siya nabati pabalik.

He smiled.

Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya sa isang ngiti niya lang, nagharumentado kaagad ang puso ko.

Binaling ko ang tingin sa mga staff na busy sa preparation sa kasal at iilang dumaraan na malalaking truck ng renting tables and chairs, maging sa decors at lighting.

"Are you okay now?" tanong niya sa malalim na boses.

Bumuga muna ako ng hangin bago sumagot para tanggalin ang kaba sa dibdib ko.

"Yeah. Ikaw?" tanong ko, hindi siya matingnan ng diretso. Una, dahil naglalakad kami. Pangalawa, nako-conscious ako.

Tumango siya.

Hindi na nadagdagan pa ang usapan namin nang may huli siyang ibinilin sa'kin.

"We will be very busy today. Please, make sure you take care of yourself properly. I will ask for your radio's number so I can call you. I'll have to go now." He smiled. Again. For the nth time this morning.

I suddenly feel disappointed. Hindi ko mawari kung bakit. Dahil ba nasanay akong hinahatid niya ako palagi sa locker? He's been doing that the past week so what changed? Napakuyom ang kamao ko at naramdaman ang pagkirot sa dibdib ko.

My hands seemed like it has a mind of its own. Nagulat ako sa sariling ginawa nang tatalikod palang na si Adel ay nahawakan ko siya sa suot nitong suit sa may right sleeve. Nagtataka niya akong nilingon.

"What's wrong?"

Sasagot pa dapat ako kung hindi lang dahil sa tunog ng kaniyang radiyo. Sa kahihiyan ay nabitawan ko siya saka mabilis na tumalikod.

What the hell did I just do!?

"Arie," tawag niya.

Napahinto ako.

Siya naman ang humawak sa kanan kong kamay. Abot tahip ang kaba sa aking dibdib habang nag-iisip ng ipapalusot sa kaniya pero nahila na niya ako paharap.

"What is it?" tanong niya.

Napalunok ako at nagbaba ng tingin sa hawak niyang radiyo at tumutunog pa ito magpahanggang ngayon.

"Sagutin mo," utos ko.

Sumimangot siya. Hindi sinunod ang sinabi ko. Bagkus ay ibinulsa niya ito dahilan ng pag-awang ng aking bibig. Bahagya rin akong napasinghap saka siya tiningnan sa mata.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon