Kabanata 22

114 3 0
                                    

Kabanata 22

Tacos


Isang araw, bumisita ako sa opisina ni Adel. He always visits me and I never had the chance to visit him even once. Kaya naman napagdesisyonan kong ngayon na gawin.

I wanted to surprise him pero ang sabi ng secretary niya may kausap pa sa loob. He told me I can get inside after the talk dahil ibinilin na rin naman na puwede akong pumasok kahit walang appointment.

"Thank you," sabi ko at bahagyang lumayo ng kaunti sa double doors ng opisina ni Adel.

I saw people look at me whenever they pass by me. May iilang nagtatagal talaga ang titig kaya bahagya akong na conscious.

I am wearing an old rose layered off-shoulder midi dress paired with pink doll shoes. Bitbit ko naman ang ternong Dior mini bag at isang envelope ng mga designs na gusto kong ayusin.

Napatingin ako sa lalaking secretary nang makita ko sa peripheral vision na papalapit sa'kin.

"Miss del Cielo, you may sit down in the waiting area while waiting. I'll try to call sir Flavio thru his intercom-"

"No, it's okay. Mukhang importante ang pinag-uusapan kaya pwede na ako rito." Awkward akong napatingin sa mga empleyadong dumaraan. "Actually, pwede ring bumaba muna ako sa restaurant at doon na maghintay sa kaniya."

"Pero-"

Ngumiti ako. "It's okay, really."

Napilitan siyang tumango at bumalik sa kaniyang lamesa. Dumaan ang halos dalawampong minuto nang maramdaman ko ang pamamanhid ng paa ko. I checked my golden and black Versace watch.

It's almost half an hour! Mukhang aabot pa ito ng ilang oras kaya naman napagpasyahan ko nang bumaba lalo pa't mukhang lalapit pa yata ulit ang secretary sa'kin.

Sumakay ako sa lift at dumiretso sa pinakamalaking restaurant ng kanilang hotel. I ordered melon juice since I just had my brunch awhile ago. Akala ko magiging tahimik ang buong oras na plano kong ilaan sa loob ng restaurant kung hindi lang ako nilapitan ni Maximus Colton.

He's leading a group of men, some are familiar to me from the wedding and some are not. Nang matanaw ako ay nakita ko kung paano siya nagpaalam para lang samahan ako. Some of them even nudged him, as if teasing him to me. Pinakawalan din naman kalaunan, may iba pang kumaway para i-recognize ako.

"Arie!" Aniya sa malaking boses.

"Hi!" Nahihiya kong sabi. Katulad ng dati, hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi na ako umatras dahil alam ko namang walang malisya iyon kahit na medyo awkward pa rin sa pakiramdam.

"What are you doing here? Did you check-in or something?"

Umiling ako saka nahihiyang inabot ang juice ko.

"May binibisita lang."

"Ano?" Kuryoso niyang tanong. Napatingin siya sa waitress nang lapitan siya nito.

"Good afternoon, sir." Inabot niya ang menu at nakangiti naman itong tinanggap ni Max. "Would you like to have your usual, sir or do you want to order something different?"

Bahagya akong nilingon ni Max.

"Did you order anything?" Tanong niya.

Tinaas ko ang baso ng melon juice. He eyed my juice before nodding.

"Want to eat something?"

"Hindi! Nakapag brunch na ako kaya huwag na."

"I'll have my usual, Gina. And..." Napatingin muli si Max sa'kin habang nakangiti. "Would you like to have some taco bites?"

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon