Kabanata 10

119 5 1
                                    

Kabanata 10

Kababalaghan


"Don't worry, hindi ko ipagkakalat ang tungkol dun. I was just shocked to see you here since I know a little about you," si Thalia nang gabing iyon. She looked more friendly and approaching because of her 'unevil' smile.

Naalala ko pa kung paano akong napahawak sa dibdib ko dahil sa kaba.

"Kinabahan ka ba? I'm just kidding. Naikwento ka rin kasi sa'kin ni Rolly kaya medyo naging interesado ako. Hindi ko lang inaasahan na ang tinutukoy niyang bagong kaibigan ay anak ng may-ari ng del Cielo Resort and Hotels."

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang birthday ni Rolly. Masayang kasama ang lahat at hindi ako sinungitan ni Harley nung lasing siya.

Linggo nang dapat ay mags-shopping spree ako kasi hindi na rin naman ako hinihigpitan ni Mommy lalo pa't inaayos ko ang trabaho ko sa hotel. Pero imbes na gawin ang plano ay napagdesisyonan kong lumubog nalang sa kama buong araw dahil masakit ang katawan ko mula sa Sabadong trabaho.

Mamaya ay magyo-yoga ako para mae-stretch ko ang mga buto at muscles, para na rin makapag relax. At yun lang talaga ang ginawa ko buong maghapon bukod sa morning routine at pagkain .

"Are you sure you don't want to attend the 90th Anniversary of our hotel, Arie?" tanong ni Kuya Hans kinagabihan habang nasa hapag ang pamilya bukod sa isa ko pang kapatid.

"Makikilala ako kapag dumalo ako sa salu-salo, syempre hindi na. Hindi rin naman ako dumadalo ng annual celebration kaya nga wala halos nakakakilala sa'kin, 'di ba?"

"But it will be a big exposure for you, too, Arie."

Sinimangutan ko siya.

"But she can attend the celebration next year. I think it's better if we let her explore the lower positions before exposing her to something bigger. And Arie wanted it naman, 'di ba?" ani Mommy sa malambing na boses.

Sumang-ayon ako ron.

"Alright," tumango si Kuya Hans.

"How about Kuya Rave?" tanong ko habang hinihiwa ang sariling pagkain.

Sigurado akong busy iyon sa hotel din namin sa Davao at maging sa El Nido pero ang main kasi ay narito sa Cebu habang ang headquarters ay nasa Subic. Kaya naman talagang dito sa Cebu gaganapin ang 90th Anniversary ng del Cielo Hotel and companies.

"He confirmed last week that he will come today pero nang sinubukan ko siyang tawagan kahapon ay hindi ko na siya ma-contact," si Kuya Hans.

"Do you think something happened there?" si Mommy na nag-aalala.

Kumunot ang noo ni Dad at binalingan si Mom.

"I'm sure he will contact us first if something happens. Isa pa, mabilis naman na naso-solusyonan ni Rave ang maliliit na problema kung sa hotel lang din naman," Dad proudly commented about his son. Umikot ang mata ko ngunit hindi maipagkaila iyon.

"But it may be a different story if it's something personal," biglang tumawa ang kapatid ko sa gilid. May makahulugang ngiti sa kaniyang labi. Marahan niyang inikot ang red wine glass bago sumimsim dito.

"Personal? Anong ibig mong sabihin, Hans?" si Mommy.

Napailing si Dad, tila ba naiintindihan ang sinasabi ng kapatid ko. Nagkatinginan lang kami ni Mommy at hindi na nagsalita.

Morning came and I decided to go to work early. Of course, today is a big day for the hotel. Maraming naka check-in na VIPs and some guests from my family's friends and business partners, even the greatest competitor of our hotel and of course, my family relatives.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon