Kabanata 1

358 10 5
                                    

Kabanata 1

Parusa

"You never learn, Arie!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw ni Mommy mula sa hapag. Napalunok nalang nang marinig ang mabibigat niyang lakad patungo sa'kin.

"Ano itong narinig kong dinala mo ang mga pinsan mo sa bar? You know how reserved your cousins are! Ano nalang ang sasabihin ng Tita Estrella mo?!"

"Mom, we were just having fun!" mahina ngunit mariin kong saad.

I swallowed hard when I saw the menacing look Dad is giving me. Alam ko kaagad na hindi ako dapat sumasagot kay Mommy. But I just wanted to defend myself! No one is gonna do that for me!

"Is there a need to go to a bar to have fun, Arie?! Goodness gracious!"

"They wanted to go with me! I didn't force them!" napatikom ako ng bibig nang tumayo na si Dad mula sa hapag.

I looked at my brothers to ask for help but they remained on their seats with the same menacing look Dad is giving me. Damn it!

Wala naman akong ginawang masama, ah. Well... maybe bringing my cousins with me is a bad idea. But it's not as if I forced them to come with me!

"Sorene is just sixteen for the love of God, Arie! Sana humindi ka!"

"Aiana said she'll take care of it—"

"And you agreed!?" sigaw ni Mommy na napupuyos na sa galit. "You're already twenty year old, Arie! Dapat alam mo na ang mga priorities mo sa buhay! Maging responsable ka naman!"

Nakagat ko ang labi sa pagpipigil na sagutin siya. Everything she said was true. I'm also used to hearing those words but every time she tells me that, unti-unti kong natantong wala pa rin akong nagagawang tama sa buhay ko siguro sa paningin niya.

"Calm down, Cin.." si Daddy habang hawak ang likod ni Mommy, pinapakalma ang umuusbong na galit nito.

"Your daughter has reached her limitations, Aniel! Hindi na ako makakapayag pa na magwaldas siya ng pera mula sa'tin!"

"That's not fair!" napasigaw ako sa gulat.

Tiningnan ko si Dad. I was already pleading him with my eyes not to agree about my mother's suggestion. Ngunit umiling lang siya, hindi magawang labanan ako ngayon.

"How is it not fair?! It is your grandfather's money! From the people who are working hard to gain money for the company!"

Oh, God. Don't tell me she's serious about this?

"And you are not gonna receive a penny unless you work for it!"

"Mom!"

"Simula ngayon, lahat ng perang makukuha mo ay paghihirapan mo." mariin niyang saad.

Napapikit ako sa galit. This is so unfair! Bakit pa ako magta-trabaho kung may pera na naman!? And isn't it the people of our company's job to work for us!?

Tinalikuran niya ako matapos iyong sabihin at kahit na subukan ko mang ipaliwanag ang sarili'y hindi ko magawa dahil alam kong mas lalo lang lalaki ang problema at mas lalong madadagdagan ang parusa niya sa'kin.

And for the love of God, wala namang masama talaga sa ginawa ko dahil ang mga pinsan ko mismo ang nagpumilit na sumama!

"Arie, intindihin mo nalang ang Mommy mo... she's just doing what's best for you," si Dad nang gabing iyon.

Nakaupo siya sa gilid ng kama ko na may kulay pink na theme. Nakasandal naman ako ngayon sa headboard habang yakap ang paa, nakahalik sa tuhod ko.

"You did not even take my side! Alam mo namang hindi ko pababayaan ang mga pinsan ko, Dad!"

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon