Kabanata 26

108 2 2
                                    

Kabanata 26

Feeling


Ni minsan hindi ako pinagkaitan sa buhay. Ngayon ko lang nalasahan na mapait pala talaga. There is no assurance that you will stay on the same ground as yesterday because change is inevitable.

Marahan kong minulat ang mata and watched as the morning sun rises from the east. Ang kulay kahel at pulang kalangitan ay sumalamin sa malawak na karagatan, nagniningning, kumikislap.

The perfect picturesque of the nearby islets and the crystal clear water of the beachfront amazed me despite the circumstances that I have. Ngayon lang ako tuluyang napalagay.

"Ang aga mong nagising, ah. Hindi ka natulog? Hindi kita napansing pumasok ng kuwarto kagabi."

Tiningnan ko ang tumabi sa'kin. Nakapaang nakatayo ako sa puting buhangin ng mala-kristal na dagat. Marahang dumadampi ang malamig na tubig sa'king paa. Tulad niya'y nililipad din ng hangin ang buhok.

"Maaga lang nagising." Sabi ko at iniwas ang tingin.

"Ganun ba. Ang tagal ko natulog kagabi... nagtagal ka siguro sa labas." Tumawa siya.

Tumango lang ako. Hinintay kong makatulog ang dalawang roommates bago naisipang pumwesto na sa kama. Nagising ako kinaumagahan nang marinig ang humihilik na si Fiona at Gelai.

Hindi sanay sa ingay, naligo nalang ako at nagbihis para panoorin ang papasikat pa lang na araw.

"Nga pala, ako si Gelai. Hindi ko naipakilala ang sarili ko kagabi, 'di ba?"

Tumango ako at saka tumikhim.

"Rafy," marahas akong lumunok at tinanggap ang kamay niyang naka abot sa'kin.

"Rafy?" Nagdududa niya akong tinitigan.

Tumango ulit ako at bahagyang lumayo. I decided to live in the name of Rafy.

Mas mabuti na 'yong malayo sa totoo kong pangalan para hindi madaling ma trace. Kasi hindi rin naman iisipin ng mga tao na babae pala ang pangalang gamit ko ngayon.

Buong gabi, ang mga plano ko sa Southern Leyte ang inatupag. I have two plans in my mind which I am still uncertain. But I will try my best to do the best plan that I originally have.

"Yes, Rafy Gar... cias."

Tumaas ang kilay niya. "Rafy Garcias?"

Tumango ako.

"Gelai Antolijao."

Bumalik ang tingin ko sa dagat nang mapansing may dalawang bangka ang paparating. Sakay nito ang iilang mangingisda.

"Alas diyes na tayo pumanhik. Kung gusto mo ipasyal pa kita pagkatapos natin." Sabi niya, nakasunod sa'kin habang naglalakad kami pabalik sa kuwarto.

I immediately shook my head. As much as possible, hindi ako lalabas at magpapakita sa mga tao. Isa pa, may gagawin pa ako.

"Bakit? Ayaw mong mamasyal?"

Umiling ulit ako. "Hindi... may gagawin pa kasi ako."

"Ano naman?"

Tumikhim ako at medyo iritado na. I don't want anyone meddling with my life especially now that I am... hiding. If she asks too much and I give her too much information, baka madulas pa ang dila ko at kung anu-ano ang masabi.

Tahimik akong nagpasalamat na hindi na siya ulit nagtanong kahit na mukhang gusto pa yatang mang-usisa.

Tulad ng sinabi niya, pumanhik nga kami ng alas diyes. I brought with me my money, planning to buy some amenities I will be needing pag nakahanap na ng malilipatan. At dahil apat na dress lang ang dala, dalawa ay nagamit ko na, kahapon at ngayong araw. Hindi ako marunong maglaba pero mukhang mapipilitan ako lalo na't nagtitipid.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon