Kabanata 4

212 6 0
                                    

Kabanata 4

Lost


Hindi ko alam kung sinadya bang hindi kami maging busy ngayong umaga dahil halos wala akong magawa bukod sa panonood sa kanila na may kaniya kaniyang ginagawa. Lima kami ngayong umaga, isang order taker, si ma'am Leigh, si Rolly, at ang aming service leader na si Tristan.

"Pakituruan naman si Aurora sa mga dapat na gawin, Rolly," si ma'am Leigh 'yon, naghahanda sa kaniyang pag-alis dahil a-attend daw siya ng daily briefing. Hindi naman busy tulad kahapon kaya nagpaalam siyang maiiwan niya muna kami ngayon at babalik din mamaya.

"Sige po, ma'am!"

"Sige. I'll go ahead, call me kung may kailangan kayo."

"Sige po!" sabay-sabay na saad ng tatlo kong kasamahan.

Nang tuluyan nang makaalis ay mabilis akong nilapitan ni Rolly at hinila patungo sa isang rack ng wine glass. Naabutan ko rin silang ginagawa ito kahapon, noong naging busy na nga lang ay napag-iwanan.

"Marunong ka naman na sa table arrangement, hindi ba?" tanong niya.

Tumango ako saka ngumiti. Memorisado ko na yata iyon lalo na't iyon halos ang ginawa ko kahapon. Bukod pa roon ay ako pa ang nagpapalit ng table cloth dahil maya't maya itong pinapalitan at dinadala sa washing area.

Minsan ay inuulit nga lang ni ma'am Leigh dahil baliktad daw o kung 'di kaya'y wala sa tamang ayos ang pagkakalagay ko ng cloth.

"Naku! Nakakahiya talagang turuan ka. Anak mayaman ka kasi," nagkamot pa siya ng ulo.

"Ano ka ba, paano naging issue 'yon?" natatawa kong tanong.

"Naku! Ano nga bang full name mo? Hindi kasi nakalagay 'yong sa'yo sa schedule." puna niya.

Napakunot ang noo ko. Wala talaga sa schedule ang pangalan ko kasi naka-private ang lahat ng personal information ko. Naka-special din ang schedule ko, walang nakakaalam dahil direct na sine-send kay Mommy. Si ma'am Leigh lang yata ang nakakaalam sa department namin na anak ako ng may-ari. Except for the nurse at the clinic and Adel, of course.

"Uhm, Nieves Aurora Fe Garcia," pakilala ko gamit ang maiden name ni Mommy.

"Wow naman. Ang haba! Talagang anak pang-mayaman!"

"Hindi naman!" tumawa pa ako.

"Tama na nga 'yan."

Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Nakakunot ang noo ni Harley, ang aming order taker habang nakatingin sa aming dalawa. Nakapameywang din siya at nakataas pa ang kilay. She had her hair cut short kaya hindi na kailangang itali.

"Nag-uusap lang naman kami," si Rolly.

"Mas marami pa ang pinag-uusap ninyo kaysa sa mga ginagawa. Magsimula na nga kayong gumalaw diyan. Nakakairita kayong pakinggan!" eksaherada nitong sabi.

"Gagalaw na po."

Napakunot na lamang ang noo ko. Ni hindi ko alam kung bakit hindi pa rin natatanggal ang tingin ko kay Harley. Mas matapang ang tingin ko ngayon dahil sa inaasta niya.

Para namang may ginagawa siya para pagsabihan kami ng ganoon gayong nagpapaganda lang naman siya sa loob ng silid para tumanggap ng tawag.

"Ano?" mas lalong tumaas ang kaniyang kilay.

I rolled my eyes. Marahas kong pinilig ang ulo, ayaw nang patulan ang babaeng ito. Nakita ko pa ang bahagyang pag-awang ng kaniyang bibig na tila ba may sasabihin pa siya dapat kung hindi lang dahil sa pagbubukas ng pinto.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon