Kabanata 15

123 5 16
                                    

Kabanata 15

Kiss


Sinundan ko ng tingin si Adel nang lumabas siyang cottage at dumiretso sa gilid ng pool para muling mag-swimming.

"Hi... hindi ba, hanggang alas otso lang ang pool?"

"Hmm," aniya ngunit mabilis nang bumulusok sa tubig.

Napasinghap ako at lumabas na din ng cottage. Natapos na kaming kumain ngunit halos hindi niya naman nagalaw ang kaniya.

"Adel!" I tried calling him out. Alas siyete na at maghahanda pa kami pauwi. Hindi ko alam na maliligo pala siya ulit! Nakabihis na rin ako matapos ang nangyari sa takot na baka maulit na naman ang nakakahiyang pangyayari.

He ignored me and continued swimming as if he's on his own little world.

Napabuga ako ng hangin at sinundan nalang ng tingin ang bawat galaw ng kaniyang balikat at paa sa lilim ng gabi. He looked aggressive every time he flips and stroke. And his back is massive despite the broad swimming pool.

Naupo ako sa gilid ng pool kung saan may hagdanan at kung saan hindi rin masyadong basa. Kahit na naka dress ay hinayaan ko nalang ang sariling panoorin siya.

After what happened, it was so obvious that he tried avoiding me. Ni hindi siya nagsalita kanina sa buong oras na nakaupo kami sa loob ng cottage. And every time I try to loosen up the heavy atmosphere, lalo lang yatang lumalala dahil tuwing nagkakatinginan kami ay hindi ko magawang mapanatili ang mata sa kaniya dahil sa kahihiyan!

"Adel, let's go," sabi ko nang mapansing bahagya siyang huminto para huminga.

"A little more swim..." aniya sa napapaos na boses. He looked at me with his hooded eyes under the moonlight. Samu't saring emosyon na naglalaro sa kaniyang mata ngunit hindi ko na mawari kung ano.

Tumango ako habang siya ay pinapanood lang ako mula sa dulo ng pool at ako malapit sa cottage. Napagpasyahan ko na ring tumayo para tumawag ng service nang mapahinto dahil bigla siyang lumangoy.

Akala ko papunta sa kabilang dulo ngunit nagulat ako nang sa isang iglap, nasa harapan ko na siya at ako, nakataas ang isang tuhod para sana tumayo. He saw my bent knees and immediately pulled it back down.

I gasped.

"What the hell!" gulantang kong sabi dahil halos mahulog din ako sa pool sa ginawa niyang paghila, kung hindi ko lang nahawakan ang hubad niyang balikat.

"You are really tempting me, huh?" aniya sa mababang boses. Nanatiling nakahawak sa paa ko sa ilalim ng pool ang isa niyang kamay, ang isa ay nakadantay sa gilid ng pool, kinukulong ang dalawa kong tuhod.

He closed his eyes before rising from the stairs, moving closer to me.

"A-anong ginagawa mo?"

Nagsipatakan ang tubig sa kaniyang katawan nang lumebel siya sa'kin.

"Are you tempting me, little temptress?" tanong niya, ang mata'y pilit hinuhuli ang akin.

"N-no... why would I even tempt you?" tiningnan ko siya ngunit kaagad ding nag-iwas ng tingin.

"You're tempting me," sigurado niyang sabi.

Sinalubong ko ang mata niya at sinamaan ng tingin. Ngumisi siya at dinilaan ang pang-ibabang labi. Nadungaw ko tuloy dahil sa ginawa niya.

His lips is wet from the pool and it's glimmering under the rays of the lamps that's surrounding us.

"I wanna kiss you."

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon