Kabanata 2

304 10 5
                                    

Kabanata 2

Intimidating


Napapaso ang balat ko dahil sa sobrang init ng panahon. Mamulamula ito nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ng employees' lounge. Maraming tao at tuwing nadaraanan ko'y napapalingon sa gawi ko. Irap naman halos ang ginawad ko sa kanila.

I'm not really in the mood for dramas.

"Good morning po, ma'am," bati ni manong guard na nakaantala sa receiption area. Medyo may katabaan at may edad na ito.

Ngumiti ako kahit na sa loob-loob ko'y naiinis na ako dahil sa malalagkit na titig ng iilan, tila ngayon lang ako nakita rito. At kung may nakakakilala man sa akin, tiyak na hindi ito mangangahas na lapitan ako.

For goodness' sake! I don't understand why my mother would allow me to work here. In a very low position at that!

"Good morning po," marahan ko na lamang na saad. Mukha namang mabait si manong guard at hindi ako kilala.

Nasisiguro kong seryoso si Mommy sa sinabi niyang wala siyang pagsasabihan na anak ako ng may-ari ng hotel. At kapag nangahas akong ipagkalat iyon ay may nag-aabang sa'king kaparusahan na sa tiyak ko'y hindi ko magugustuhan. Mamaya niyan itakwil ako bigla ni mom.

"Bago po kayo, ma'am?" si manong guard.

"Uhm, opo," hilaw na ang ngiti ko.

"Ah! Siguro po isa kayo sa mga bagong director, ano?"

Napasimangot ako sa kaniyang sinabi. Nakita naman iyon ni manong guard at medyo umambang magsasalita nang pilit ko siyang nginitian. See, Mom? Even your guard here thinks I have the looks for a position of directress! Hindi ko talaga ma-gets si Mommy! Hindi naman siya ganito noon.

"Hindi po. Sa Room Service po ako na-assign," magalang kong sabi. Kahit papano'y gumaan ang pakiramdam ko kay manong kahit na meydo naiilang na ako sa tingin ng mga tao. Don't they have work to do at kailangan pang makiusyoso sila sa bagong dating? O masyado lang silang nagagandahan sa'kin?

"Ayos lang po 'yan, ma'am. Ang swerte niyo nga po at nakapasa kayo. Iyong anak ko nga pong babae, kahit nagaling sa magandang unibersidad ay hindi natanggap.." nahimigan ko ang pagkadismaya sa kaniyang boses.

Gusto kong matawa sa sinabi ni kuya. San banda ba ako masuwerte?

"Hindi naman po." Umiling ako.

Napatingin ako sa mamahalin kong relo at nakitang alas nuebe y media na. Sa pagkakaalala ko'y malayo pa ang locker ko – naming mga empleyado! Tapos ay magbibihis pa ako ng uniporme!

"Kukunin ko lang po sana ang ID ko."

"Ah, opo, opo. Ano pong pangalan?"

"Nieves Aurora Fe Garcia po."

Naang mahanap mula sa cabinet ang ID ko ay mabilis niya naman iyong inabot sa'kin.

"Good luck po sa first day ninyo, ma'am!" bati niya pa.

"Thank you, kuya! Mauuna na po ako!" hindi ko na siya nilingon pa.

Halos hinihingal ako nang marating ang linen area kung saan nakahilera ang mga uniporme ng bawat empleyado ng hotel. Buti nga't hindi ako nawala gayong hindi ako marunong mag-memorisa ng direksyon!

But what shook me to the core was the employees lining up to get their uniforms with only two attending! Sana pala ay sinunod ko ang payo ni Kuya Hans na maagang pumanhik sa bahay!

Sa desperasyon ko't kagustuhang hindi ma-late ay kinalabit ko ang lalaki sa pinakahuli. Sa tantya ko'y walo silang naghihintay para sa kanilang turno na kunin ang uniporme. Inis na nilingon ako ng lalaki, mas matanda ito ng konti kaysa sa akin. Brownish ang kaniyang balat at may pagka-intsik. Nagbago ang ekspresyon niya nang makita ako. Halos mapangisi pa ako kung hindi lang ako male-late.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon