Kabanata 5

189 6 0
                                    

Kabanata 5

Found


The four corners of the freaking white room gave me an eerie feeling. Pakiramdam ko ako 'yong nasa bida sa isang hollywood horror movie tapos bigla akong napadpad sa lugar na may serial killer.

Ilang beses na akong napapamura matapos akong dalhin ng elevator sa isang secluded na kwarto at tanging steeled walls lang ang nakikita ko. May isang pinto palabas pero kailangan ng access. Hindi ko magamit ang access card ko dahil hindi siya applicable.

Naghihintay pa ako nang pagbaba ng elevator dahil may gumagamit dito.

I tried knocking on the cold steel door pero wala namang sumasagot. Ang creepy din kaya hindi ko na itinuloy. Mamaya iba pa ang lumabas. At dahil abot tahip na ang kaba sa'king dibdib, pilit ko na lamang na ipinagsiksikan ang sarili sa sulok habang hinihintay ang pagbubukas ng elevator.

Shit! You, stupid woman! What if I die here? Walang makakaalam! Ni wala akong cellphone para ipaalam sa pamilya ko na mamatay na pala ako!

It took minutes before I heard a 'ding' coming from the elevator. The sound resonated around the four corners of the secluded area. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang receipt holder habang nakatingin sa papabukas na elevator. Ni hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang mga mata ko o mananatili itong sarado at antayin ang kamatayan ko!

"What the hell are you doing here, Nieves Aurora?" dumagundong ang baritonong boses sa buong sulok ng silid kaya nalingunan ko ang pinanggalingan noon. Nakita ko ang kakalabas pa lang na si Adel habang may hawak na radio.

"Adel!"

Para akong batang tumakbo papunta sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. Mainit ito kumpara sa nanlalamig at nanginginig kong mga kamay.

He slooked at my hands on him. Mas hinigpitan niya ang hawak rito at mas nilapit pa ako sa kaniya. Ang hawak na radyo sa isang kamay ay sinabit niya sa bulsa sa kaniyang gilid. Pagkatapos ay hinila papunta sa loob ng elevator. Pinindot niya ang 3rd floor.

"You got lost again?" tanong, ngayon ay nakatingin na sa'kin. Seryoso at malalim ang mata.

Hindi pa ako nakakasagot nang biglang tumunog ang elevator. Bumukas ito at may iilang sumakay. Tiningnan kaming dalawa ng mga empleyado, siguro nagtataka dahil nakahawak ang kamay ni Adel sa'kin.

Hinila ko iyon upang makawala ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"Ang daming nakatingin, oh," bulong ko kahit na sa tingin ko'y naririnig naman ng kasama namin.

"Answer me, Arie. How did you even got lost?" aniya ng pabulong, ang kaniyang bibig ay nasa gilid ng aking tainga. Parang kuryenteng dumaloy ang kaniyang hininga patungo sa aking batok.

Marahas akong napalunok. Hinawi ko na lamang ang kaniyang kamay ngunit hindi pa rin siya nagpatinag. By now, sigurado akong alam na niya dapat na mahina ako sa direksyon. Bakit kailangan niya pang itanong iyon sa harap ng maraming tao?

Nang mapansin niyang hindi ko siya sasagutin ay umiling na lamang siya.

"Are you okay?"

Tumango lang ako, ni hindi ko na siya matingnan at baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao sa loob. Muling tumunog ang elevator tanda na nasa tamang floor na kami. Nahiwa sa dalawa grupo ang mga empleyado, binigyan kami ng daan.

Wala pang nagsasalita sa amin nang biglang tumunog ang kaniyang radio. Secluded pa rin ang kwarto na nilabasan namin pero sementado na ang buong dingding, pininturahan ng kulay dilaw.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon