Kabanata 18

104 5 2
                                    

Kabanata 18

Push


The next days made me feel like I'm on a cloud nine everytime he kisses me on the forehead. Hindi nakakaligtaan kahit isang beses man lang! I lost count of how many times he does it in a day and I don't even know why it made me feel so ecstasic.

Hindi ko lang inaasahan na magkaka problema ako sa mga sumunod na araw. I knew something was up when Santanas the bruha always look at me like I did her wrong.

I swallowed hard.

Nanatiling nanginginig ang kamay ko sa galit, hindi magawang itago ang galit ng damdamin lalo na sa tuwing naaalala ko ang demonyong mukha ng mga impaktang bruha na mga 'yon!

Pinauwi ako ng bahay matapos ang nangyaring eskandalo kanina sa hotel. Si Kuya Hans na rin mismo ang naghatid sa'kin, iilang sermon pa ang natanggap ko mula rito.

"Arie, you caused another commotion," aniya habang nasa biyahe kami pauwi ng bahay.

"They intentionally pushed me to the pool!"

Napahilamos ako sa mukha at naiiritang tiningnan ang kalmado kong kapatid.

"You caused a commotion to the public. Ang daming nakatingin kanina at suot mo pa ang uniporme. If you were caught in a video at kumalat iyon sa internet, magkakaroon ng napakalaking eskandalo sa pamilya at maaapektuhan ang hotel natin."

Really?! Wala man lang kahit isang comforting word sa kaniya?

"I don't care! Kung hindi ka naman pala maniniwala sa'kin, sana hinayaan mo nalang akong malunod kanina!" Nagsipatakan na nga ang luha ko. I still remembered how those fucking lowly creatures flocked together at pinagkaisahan ako!

Sa tuwing naaalala ko talaga silang lahat at ang lahat ng manonood na wala man lang ginawang aksyon, tumutubo talaga ang sungay ko sa mga naiiisip.

"Sa Coco Bar 'yan, Arie. Pakikuha nalang ng sweet potato fries bago mo i-deliver sa room ang order."

Nag request daw kasi na sa Coco Bar mismo na sweet potato fries ang gusto nila at hindi sa restaurant kukunin ang order. Hindi na rin naman nagreklamo dahil isang regular guest ang tumawag at nag request no'n.

"Samahan ko na siya, wala naman masyadong order," si Harley nang mapansin ang pag-aalangan ko sa mukha. First time ko rin kasi makatanggap ng ganitong order at kung kukuha ako ng pagkain mula sa Coco Bar, ibig sabihin lalabas pa ako para pumunta sa Infinity pool malapit sa seaside dahil doon ang location ng resto bar at wala naman sa loob ang tinutukoy. Sa'n ko nga ba iiwan ang trolley kung ako lang mag-isa?

"Alright. Balik lang kayo kaagad."

"Mabilis lang 'to, ma'am Leigh." Ani Harley at siya na rin mismo ang nagtulak ng trolley.

"Ako na, ako naman maghahatid ng order," sabi ko nang mapansin ulit ang tuluyan ng pag-iiba ng ugali niya.

"Ayos lang, miss ko na rin maghatid ng pagkain sa taas. Saka isa pa, malaki ang tip nito kaya hati tayo!" Tumawa siya.

Tumango ako kahit na hindi sang-ayon.

"Ayos lang naman kung sa'yo na ang tip. Ikaw naman nagtutulak, eh."

"Sigurado ka? Hindi ka ba nasasayangan?"

Nagkibit lang ako ng balikat. Bago kami dumiretso sa room ay pumunta muna kami sa ocean wing bago napagpasyahang maiiwan siya para bantayan ang trolley habang ako na ang pupuntang resto bar para kunin ang order.

"Yes, po. Dalawang order ng sweet potato fries," sabi ko nang ulitin ng chef ang sinabi ko.

They all laughed inside the kitchen, some while looking at me and some while cooking.

Giving In To Trouble (del Cielo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon