Kabanata 1

72.2K 2.4K 1.2K
                                    

Kabanata 1

"Ms. Pontevera, I asked for a caffè latte with almond milk! This does not even taste like it!"

Umalingawngaw ang boses ni Mrs. Flordeliz sa buong office. Halos lahat ng tao ay napatingin sa gawi namin. Napayuko ako habang tinatapunan ng walang kakwenta-kwentang sermon.

Malayo ang nilakad ko kanina at ramdam na ramdam ko ang sakit mula sa paltos ng paa ko. Biruin mo, naglakad ako nang malayo nang naka-heels para lang mabili ang pesteng inumin na 'yon.

"If you can't even get this simple instruction right, don't expect to be promoted as a Product Manager."

Bumalik ako sa pwesto pagkatapos ng pamamahiya na iyon. I can't believe how she treated me. Inisip niya na naman na nilalandi ko ang asawa niya e 'yong asawa niya mismo ang lumalapit sa'kin at nagtatanong sa'kin ng kung ano-ano.

I am working under the Marketing Department of a famous clothing line in the Philippines, De Velar. Magtatatlong taon na ako dito bilang staff at malapit na rin akong ma-promote. Napapatagal lang ito dahil sa pakikitungo sa akin ni Mrs. Flordeliz na Head ng Marketing Department.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Raze. "Girl, kailangan ata sa job description mo ang pagiging barista."

Sumali rin si Vio sa usapan. "Kulang nalang lumabas matres niya kanina sa'yo. Mabuti nalang nakapagtimpi ka at hindi binuhos sa kanya 'yong inumin."

I sighed while getting back to work.

"Girl, isang lapit mo lang sa pamilya mo, baka mabili mo na 'tong buong building. Baka lumuhod pa 'yan sa'yo si Mrs. Flordeliz at magmakaawa." Vio chuckled.

"True! Biruin mo, ang heiress ng Pontevera Holdings at Asiana Lands, ay inuutus-utusan lang bumili ng Starbucks."

Humalakhak silang dalawa kaya mas lalo akong napangiwi.

"I bet your parents will be distressed once they find out how they are treating you here." sabi ni Raze na tinanguan naman ni Vio.

"Baka kung saang kangkungan pulutin si Mrs. Flordeliz." Vio added.

"Enough with the family talk, please."

I find talking about my family's wealth awkward. Alam ko namang kung kapangyarihan lang ang pag-uusapan, our companies are one of the best standard there is. Imagining that in the future I would inherit it, it's too much pressure. Kaya habang maaga pa, gusto kong mamulat sa mundo na 'to. Ayokong sanayin ang sarili ko sa karangyaan dahil lang sa pagiging Pontevera. I want to widen my perspective with this kind of life, mainly for knowledge and experience.

Mrs. Flordeliz dropped another huge pile of papers on my desk. Malutong ang tunog ng pagkakasalampak no'n sa mesa ko. She is still glaring at me when I looked at her.

"Finish that by tonight." giit niya.

"But ma'am--"

"May problema ba tayo, Ms. Pontevera?"

I bit my lip then I shook my head.

"Good. Give me the documents once it's done."

Halos pigain ko na ang utak ko buong magdamag. Mabuti sana kung incompetent ako o kaya may nagawa akong masama kaya niya ako ginaganito. Pero hindi, e! Dahil lang sa nakita niya akong nakikipag-usap sa matandang asawa niya kaya siya nagkakaganito.

"Wag mo na kasi pansinin si Mr. Flordeliz sa susunod na kausapin ka niya." Raze suggested.

Kakatapos lang ng lunchbreak at hindi man lang ako kumain at sumabay sa kanila dahil kailangan ko i-proofread at ilagay sa powerpoint presentation ang project proposal.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon