Kabanata 13

43.7K 1.8K 616
                                    

Kabanata 13

"Hindi naman sa pinepressure kita, Vera." tumawa si Vio. "Pero kung manliligaw nga talaga 'tong si Crest sa'yo, may pag-asa ba?"

Napapikit ako ng mariin at palihim na nagmura. Sobrang naiilang ako sa sitwasyon at hindi ko ba alam kung bakit ako ginaganito nina Vio at Raze ngayon. Tuwang tuwa pa ang dalawa habang hinihintay ang isasagot ko.

"Hindi mo naman kailangan sagutin, Vera. Ayos lang naman sa'kin." Crest smiled genuinely. "Alam kong hindi ka pa handa sa mga gan'to at nirerespeto ko 'yon."

Napangiti ako sa sinabi ni Crest. Mukhang naramdaman niya ang pagkailang ko kaya niya sinabi 'yon. He's really a nice and gentle person.

"Sorry, Vera. Sobrang saya ko lang talaga para sa'yo. Ito na ata ang pagkakataon para umusbong 'yang lovelife mo." natatawang banggit ni Vio.

"Matagal na naming hinintay na dumating 'to kaya sana pagbigyan mo kami." Raze added.

Inirapan ko lang sila dahil sa inis.

Tuloy tuloy pa rin sila sa pagkantiyaw at pagpupumilit sa topic na 'to. Nakita kong ngumingiti lang si Crest pero alam ko na hindi rin siya kumportable, o ako lang talaga 'yon?

"Sorry, Crest. Nadawit ka pa." I whispered to him because of the embarrassment.

Crest smiled. "Ayos lang. Pero sana hindi ka magalit sa mga kaibigan mo. Ayos lang talaga sa'kin."

Parang gusto ko ialay si Crest sa altar sa sobrang kabaitan niya. He quickly understood the scenario and even though the situation is awkward, he still managed to stay nice.

"Ikaw, Daxel? Hindi ka ba maghahanap din ng maliligawan?" ngumisi si Vio.

I bit my lip and I tried to glance at him. Hindi siya kaagad sumagot pero lumingon siya sa'kin pero nag-iwas din.

"I'm thinking about it." his voice is husky.

"Bakit? May nagugustuhan ka rin ba?" Crest tried to join the conversation. He smiled to Daxel.

Daxel licked his lips. "Meron..."

Hindi ako nakaimik sa pag-uusap at tinuloy ko nalang ang pagkain at pag-inom. Nagulat ako nang biglang mag-offer ng alak si Crest kay Daxel.

"Eto p're, oh. Inom ka." Crest offered a shot glass.

"Hindi p'wede!"

Nakita kong natigilan silang lahat dahil sa reaksyon ko. Halos mapatayo ako sa kinauupuan ko. Nakita kong naghagikgikan sina Vio at Raze. I saw Crest's confused reaction. Binalingan ko ng tingin si Daxel, bahagyang nag-angat ang labi niya.

"A-Ako nalang ang iinom para sa kanya." I grabbed the glass and gulped it in one shot.

"Bakit? Bawal ba siya uminom?" ang pagtataka ay kitang-kita sa mukha ni Crest.

"Oo..." ngumisi si Daxel. "Baka kasi may mag-uwi ulit sa'kin."

Nakita ko pa ang pagbaling sa akin ni Daxel at ang bawat diin sa pagkakasabi niya. Namula ang mukha ko at nakita kong nagpipigil ng tawa sina Vio at Raze.

"May nag-uwi sa'yo? Babae ba?" Crest chuckled.

Tumango si Daxel at tumawa bahagya. "Nagulat ako na nakahiga na ako sa ibang kama pagkagising ko."

Napapikit ako ng mariin at pinipilit ko nalang ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Nananadya kasi 'yong isa d'yan, e.

"Oh? E 'di... m-may ano....may..."

Hindi matuloy-tuloy ang sinasabi ni Crest dahil siguro masyadong personal ang itatanong niya.

Daxel smirked. "Hmm...ang masasabi ko lang ay nag-enjoy ako."

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon