Kabanata 4
"M-May iba pa po ba kayong ipagagawa?" my voice trembled a little.
Nakatayo ako ngayon sa harap ni Mrs. Flordeliz na hindi man lang ako magawang tignan. Kakatapos ko lang ng pinagawa niya at inaasahan ko na ang sunud-sunod na utos niya.
Sigurado akong papabilhin na naman niya ako sa labas ng kung anu-anong pagkain na gusto niya at sasakit na naman ang paa ko dahil sa layo ng lalakarin. Napangiwi ako habang iniisip iyon.
"None. You can go now." malamig na tugon niya.
Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. Gulantang ako dahil ito ata ang unang beses na wala siyang pinagawa sa'kin. Is it connected to why Mr. Flordeliz quitted a week ago?
"Why are you still here? I said you can go, Ms. Pontevera." seryosong tumingin siya sa'kin.
Natauhan ako at tumango sa kanya. I bowed a little to bid my goodbye.
"I'm sorry for how I treated you, Ms. Pontevera."
Halos mauntog ako sa pintuan ng opisina niya nang marinig ko 'yon. Parang gusto kong saktan ang sarili ko kung totoo ba 'to o nananaginip ba 'ko. Muli ko siyang binalingan ng tingin at nakita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha niya.
"I hope you can forgive me." she sincerely said while looking straight into my eyes.
I cleared my throat before smiling. "I-It's fine, Mrs. Flordeliz. T-Thank you."
Nang makalabas ako sa kanyang opisina ay do'n pa lamang ako nakahinga nang maluwag. Gulat pa rin ang mata ko at hindi ko maabsorb ang nangyari. Umupo ako pabalik sa pwesto ko habang masinsinang iniisip ang pangyayari.
"O, bakit para kang nakakita ng multo?" tanong ni Vio nang umupo ako.
"M-Mrs. Flordeliz apologized to me."
Nalaglag ang panga ni Vio dahil sa sinabi ko. Nakita kong napalingon sa amin si Raze at mukhang narinig ang sinabi ko.
"Baka nag-hallucinate ka lang, gurl? Nasobrahan ka ata ng ininom mong kape kanina." Vio chuckled.
I know what they mean because it totally sounds absurd. Iniisip ko tuloy kong nanaginip lang ako dahil sa sobrang desperada ko na pinapanalangin na sana maging mabait na ang pagtrato sa'kin ng boss ko.
"May kinalaman siguro sa pag-alis ni Mr. Flordeliz. Baka nagbagong buhay." nagkibit-balikat si Raze at bumalik sa kanyang trabaho.
Lumipas ang mga araw at nagbago na ang pagtrato sa'kin ni Mrs. Flordeliz. In fact, she even recognized my skills as her employee. Gusto ko 'tong trabaho na 'to pero mas lalo ko itong naappreciate simula ng naging pantay at maayos ang pagtrato sa'kin ng boss ko.
Thus, the promotion that I've ever dreamed of became reality! I just got promoted as the Product Manager of the company. Ang matagal ko nang hinihintay na mangyari!
"Congratulations, Vera! You deserved it!" niyakap ako ni Vio.
"Isang shot para sa bagong Product Manager!"
Inabutan ako ng isang shot glass ni Raze. Nakangiting tinanggap ko iyon at inisang tungga lang. Naghiyawan silang dalawa habang pinapalakpakan ako. Napapikit ako ng mariin habang nakangiti ng malapad. I never imagine that being promoted will bring me so much happiness.
Bumalik kami do'n sa bar na madalas naming pinagtatambayan. It has been a month since then since Mr. Flordeliz quit and when Mrs. Flordeliz treated me as a legit employee. I got to enjoy the work environment that I'm in. It was like a dream.
Tumunog ang isang upbeat na tugtog at nakita kong nagsipuntahan na ang mga tao sa gitna. Nagsimula na silang magsayawan at nakita ko ang pagbabago ng mga ilaw sa dance floor.
BINABASA MO ANG
Against the Barrier (Magnates Series #1)
RomantizmThis book is published under IMMAC PPH (Magnates Series #1) Being an heiress to a wealthy family, political marriage is one way to prolong the Pontevera's legacy. But Ishina Astrid Pontevera chooses to live independently without all the privileges...