Kabanata 18

40.1K 1.8K 1K
                                    

Kabanata 18

"Anong kaestupidahan na naman ang ginawa mo, Lucy?!"

Umalingawngaw ang sigaw ni Tiya Arnelyn nang makauwi kami sa bahay nila. Nakita ko ang pagyuko ni Lucy at ang pagbadya ng luha sa kanyang mata.

"Bakit mo ginawa 'yon? Sinadya mo ba talaga?! Kung hindi pa sinabi ni Lucia ay hindi ko pa malalaman! At kung hindi ka niligtas ni Vera roon ay baka kung ano nang nangyari sa'yong ingrata ka!" halos lumabas ang litid ni Tiya Arnelyn.

Nanatiling nakayuko si Lucy na wala man lang sinasabi.

"H-Hindi niya po sinadya 'yon, Tiya. 'Wag niyo po siyang sisihin."

"Hindi mo siya kailangan ipagtanggol, Vera! Alam na alam ko ang katigasan ng ulo ng babaeng 'to!" nanggigigil na sabi ni Tiya at tinapunan ng matalim na tingin ang nananahimik na si Lucy.

"Mahiya ka nga sa ginawa mo! Napahamak si Vera dahil sa katangahan mo! Huwag ka ng magtrabaho roon kung magiging pabigat ka lang!"

Nakita ko ang paglaki ng mata ni Lucy at doon na tumulo ang luha niya. "Huwag, Ma! Gusto ko magtrabaho roon! 'Wag niyo po akong ipatanggal do'n!"

"Kung gano'n, ayusin mo 'yang ugali mo! Ikaw ang ikamamatay ko dahil sa katigasan ng ulo mo!"

Ilang sermon pa muli ang natanggap ni Lucy at sobra akong naguilty dahil do'n. Kahit hindi ako napagalitan ay parang nasasaktan ang puso ko.

Pero nagulat ako dahil doon ko lang nakita ang pagbabago ng emosyon ni Lucy. She looks vulnerable when she was being forced to quit. Mukhang gustung-gusto niyang magtrabaho roon at hindi umalis.

"Sana masaya ka sa ginawa mo. Pakialamera." may diin ang pagkakasabi ni Lucy nang magkasalubong kaming pumasok sa kanya-kanya naming kwarto.

"Sorry, Lucy." I muttered.

"Napakaplastik mo. I never asked you to do that for me!"

"Pero kung hindi ko 'yon ginawa ay baka mapahamak ka."

"Kung hindi ka sana nakialam ay ililigtas na niya ako!" she gritted her teeth. "Pero naggaling galingan ka dahil gusto mo palaging nasa'yo ang atensyon, you two-faced bitch!"

Padabog na sinarado niya ang kanyang kwarto nang tinalikiran ako. I was left there dumbfounded, don't know what to say.

Kinabukasan ay mas lalong naging malala ang pagtrato sa akin ni Lucy. She is now very vocal on how she hated my whole existence. Ramdam ko pa rin ang sakit ng panga ko nang pumasok kami kinabukasan. Hindi nakatulong ang hot compress dahil naramdaman kong namaga ito ng konti.

"Vera!" agad na sinalubong ako ni Ulan. "Grabe ang intense no'ng kagabi, para kang superhero!"

Ngumiti lang ako at umiling.

Lumapit sa akin si Ma'am Lucia. "What you did is very professional, Vera. Sobrang pasasalamat ko at naayos mo ang gulo at hindi na lumala ang pag-eskandalo ng babaeng 'yon."

That is what I learned in De Velar, sa daming kliyente kong nakasalamuha at sa masamang pagtrato sa akin ng iilan ay nadala na rin ako. This is the best way I could think of in handling the situation, to not make it worse.

Naglinis kami bago magbukas ang restobar ng tanghali. Nagmamop ako ng sinadya akong tabigin ni Lucy kaya halos mabitawan ko ang mop.

"Tuwang tuwa ka sa mga papuri na tinanggap mo, bitch." she spat out before moving away.

Napabuntong hininga ako at pinabayaan nalang iyon kahit na paulit-ulit niya pang ginawa. Galit na galit siya sa'kin at iniisip na ginagamit ko siya para lang purihin ako ng iba.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon