Kabanata 21
"What is it, Astrid?"
Tumingin siya sa'kin kaya naman nag-iwas ako ng tingin at tinuloy ang pagkain ko. Nandito siya ngayon sa restobar at sabay ulit kaming kumain ng lunch. Pinayagan ulit ako mag early lunchbreak ni Ma'am Lucia at mukhang nasanay na rin sa tuwing pumupunta rito si Daxel.
"W-Wala naman."
"You kept on looking at me and whenever I try to look at you, you always avert your gaze." he bit his lip, not sure if he was suppressing a chuckle.
Hindi ko pa rin naman kasi lubusan maisip ang nangyari kagabi. We both admitted that we like each other and after that, I just don't know how to act normally. May dapat ba 'kong gawin? May kailangan bang baguhin?
"I-Iyong babae kagabi..." I bit my lip. "Ayos lang ba siya kahit iniwan mo siya do'n?"
Bumuntong hininga siya. "She's just an acquaintance. We went to the same university."
"Acquaintance, eh bakit..." hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Nakita kong nag-angat siya ng tingin at mukhang hinihintay rin ang kasunod no'n. "N-Nevermind."
Acquaintance lang e bakit kung makasugapa siya kagabi parang hindi naman acquaintance 'yon.
"What is it? Go on, ask me."
I bit my lip then I shook my head. Tumusok na lang ako ng ulam at kinain iyon. Nahihiya ako na baka isipin niya masyado akong nakikialam sa buhay niya.
"H-Hinalikan ka niya, e..." hirap na hirap pa akong bigkasin 'yon.
"She told me she likes me but I told her I already like someone else. Then she forced a kiss." he casually said.
The scene immediately flashed inside my head. Hindi ako kumportable ro'n at alam ko kung anong nararamdaman ko. Ayoko lang sabihin kasi hindi ko alam kung tama lang ba 'to o masyado akong sensitive.
Bumuntong hininga na lang ako. "Ang dami mo talagang babae."
"What? How so?" his brows furrowed.
Kumunot din ang noo ko dahil sa tanong niya.
Aba! May gana pa siyang magmaang-maangan e ilang beses ko siyang nakita!
Maraming nagkakagusto sa kanya and worst, nagtatangkang akitin siya. Sa mga bars pa lang na pinagtrabahuan niya, pati 'yong iba pang mga babaeng nakita kong kasama niya. Too many to mention, damn it!
"Don't let me start about it, it'll take a day." I rolled my eyes.
"Hmm... so now you're admitting you're jealous?" his lips rose up.
Sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang natutuwa pa siya e kung tusukin ko siya ng tinidor dito?
"It's okay, be jealous all you want. Be possessive of me, I'll be so damn happy." he chuckled sexily.
"Hindi nakakatuwa." I glared at him.
"Hindi ka naman kasi dapat magselos. You're the only one that I like. And I can assure you that I'm all yours."
I bit my lip. Simpleng salita lang pero grabe ang pag-atake sa buong sistema ko. Hindi yata ako masasanay sa ganito. Sa sobrang dami kong nararamdaman parang gusto kong ibalibag ang lamesa.
Natigil lang ako ng may biglang lumapit na magandang babae sa table namin at mukhang nahihiya pa.
"H-Hi, I always saw you here sa restobar." nakita kong halos mamula ang babae. "I just want to ask if it's okay with you. Can I have your number?"
I knew it.
Nakita kong napatingin sa'kin si Daxel ngunit palihim na umirap lang ako at tinuon ang pansin sa kinakain. Hindi ako sumagot at hinayaan siya.
BINABASA MO ANG
Against the Barrier (Magnates Series #1)
RomanceThis book is published under IMMAC PPH (Magnates Series #1) Being an heiress to a wealthy family, political marriage is one way to prolong the Pontevera's legacy. But Ishina Astrid Pontevera chooses to live independently without all the privileges...