Kabanata 19

41.7K 2K 1.1K
                                    

Kabanata 19

Halos mabitawan ko ang plato nang marinig ang hagikgik ni Ulan sa gilid ko. Nagpapapadiyak pa siya at impit na tumitili habang hawak ang kanyang cellphone. I bit my lip to stop myself from scowling.

"Naku, Vera! Salamat talaga!" niyugyog niya ako habang tumatalon.

Ngumiti ako ng pilit at tumango.

Ilang araw na rin siguro silang magkatextmate ni Daxel kaya gano'n nalang ang inaakto niya. Binigay ko ang papel na may number ni Daxel sa kanya, iyon ang naging desisyon ko. Wala naman akong karapatan para pagbawalan 'yon.

"Jusko, mamamatay na ata ako. Kinikilig ako, parang maiihi ako sa panty ko!" tili ni Ulan habang binabasa ang text mula sa cellphone niya.

Napapikit ako ng mariin dahil kada hagikgik niya ay parang gusto ko malaman kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. Kinakain ako ng kuryosidad ko.

"Napakaingay naman." komento ni Lucy habang nag-aayos kami sa pagbukas ng restobar.

Inirapan siya ni Ulan. "Inggit ka lang dahil magkatextmate na kami."

"Tss... hindi ka no'n papatulan."

"Oh talaga? Hindi mo sure." humalakhak si Ulan habang titig na titig sa cellphone niya.

"Bakit? Nililigawan ka na? Anong napag-usapan niyo?" sunud-sunod na tanong ni Lucy na mukhang hindi na nakapagpigil dahil gusto rin malaman.

Maging ako ay napatigil din sa ginagawa para tignan sila. Gusto ko rin malaman dahil...wala lang. Gusto ko lang.

"Sikretong malupet!"

Natatawang binelatan ni Ulan si Lucy at nakita kong halos mamula ang mukha nito sa inis. Hindi ko na lang pinansin at tinuloy ko na lang ang ginagawa kong paglilinis kanina.

Nang magbukas ang restobar ay kaunti lang ang customer dahil tanghali pa. Natigilan ako nang pumasok ang pamilyar ni pigura na natanaw ko sa entrance. He's wearing his usual attire, plain shirt, maong jeans and black boots. Wala ulit siyang kasama ngayon.

"Good morning!" masiglang bati ni Ulan at kumaway sa kanya.

Bumaling sa akin ang tingin ni Daxel bago ito mapunta kay Ulan. Ngumiti siya kay Ulan.

"Morning,"

Umupo na siya sa bakanteng upuan. Umiwas ako ng tingin habang tumatakbo si Ulan palapit sa kanya dala-dala ang menu. Ang lapad ng ngiti ni Ulan habang siya ay ngumingiti rin pabalik.

"Iyong usual pa rin ba?" tanong ni Ulan.

"Oo. Iyon pa rin."

Anong usual? May napag-usapan sila? Iyon ba 'yong pinag-uusapan nila sa texts nila?

Humagikgik si Ulan. "Sige, ako na bahala. Sasabihan ko sa cook na damihan."

Umiling at natawa si Daxel. "Salamat."

Halos mabura ko na ang plato dahil sa diin nang pagpupunas ko. I am gritting my teeth while wiping the utensils eagerly. Napansin kong napatingin sa gawi ko si Daxel, tumalikod ako at tinuloy ang ginagawa ko.

Hindi nagtagal ay naluto na kaagad ang order ni Daxel. Nag-order siya ng bulalo, sizzling sisig, chopseuy at may dalawang kanin. Teka, dalawa?

"Ma'am, mauuna na 'ko sa lunchbreak!" masiglang pagpapaalam ni Ulan.

Kinuha na niya ang mga order at nilapag iyon sa may lamesa ni Daxel. Ngumiti si Daxel habang tinutulungan ang paglalapag ng mga ulan sa lamesa. Nag-uusap pa sila at nagtatawanan.

"Tsk, pumapatol sa pangit." rinig kong komento ni Lucy sa may tabi.

Napatingin siya sa'kin. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at inirapan.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon