Kabanata 20
I can't sleep that night. I didn't even say anything. Umalis siya kaagad pagkatapos no'n. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko.
Kinabukasan ay muli siyang pumunta para maglunch sa restobar. Wearing his polo shirt, maong pants and sneakers, umupo na siya sa bakanteng lamesa. Matapos ng pag-uusap namin ay makita lang siya ulit ay parang nagwawala na ang puso ko.
Nagvolunteer kaagad si Lucy para kuhanin ang order ni Daxel ngunit pinigilan kaagad siya ni Ulan sa hindi ko malamang dahilan.
"Si Vera na lang!" pagpupumilit ni Ulan.
Galit na binalingan siya ni Lucy. "At bakit siya? Waitress din naman ako rito."
"Kahit na, si Vera na lang ang kumuha ng order."
"H-Hindi, si Lucy na." sabi ko at tinuloy na lang ang paglilinis na ginawa ko.
Pakiramdam ko kasi na kapag ako ang lumapit kay Daxel ay mamamatay ako sa sobrang bilis ng puso ko. Magtama lang ang mga mata namin ay para nang makakagawa ng apoy ang mukha ko dahil sa init nito.
I glanced at Lucy, she was smiling widely while taking Daxel's orders. Napatingin bahagya si Daxel sa gawi ko at nagpatay malisya na lang ako.
Nagulat ako nang dumating na ang order ni Daxel, medyo madami ito kaya naman nagtaka ako. May kasama kaya siya ngayon?
Dahil sa sobrang dami ay tinulungan ko na si Lucy na magdala. Nakita kong sinamaan niya ako ng tingin habang nakasunod ako sa kanya. Nang makarating kami sa lamesa ni Daxel ay naramdaman ko kaagad ang titig niya sa'kin. Nilapag na namin ang mga pagkain sa lamesa.
"Lucy, may order sa kabilang table!" tawag ni Ulan.
"Bakit hindi siya?" sabay turo ni Lucy sa'kin.
"Utos ni Ma'am, ano? Reklamo ka pa?" pabalang na sagot ni Ulan kaya naman padabog na pumunta si Lucy ro'n.
Tinuloy ko ang paglalagay ng mga pagkain kahit na sobra akong kinakabahan at nanginginig na ang kamay ko.
"You're shaking," he seems amused.
Namula ang mukha ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinulungan akong ilapag ang natitirang plato.
"P-Pasmado lang." pagpapalusot ko.
Ngumuso siya para pigilan ang ngiti niya. "Are you bothered because of what I told you last night?"
"H-Hindi naman,"
"Then may I ask you to eat lunch with me?" he casually said.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napasulyap ako sa paligid bago muling bumaling sa kanya.
"Hindi p'wede, nagtatrabaho ako."
"Hmm." marahang tumango siya bago bumaling sa may counter. "Ms. Umali, can your employee have her lunchbreak now?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nagulat ako nang biglang lumabas si Ma'am Lucia mula sa counter na hindi man lang nagulat sa sinabi ni Daxel.
"Oo naman. Vera, have your lunch break." Ma'am Lucia even gave a thumbs up.
Bumaling ako ng tingin kay Daxel na inosenteng nakangiti. "Sit now, Astrid."
"H-Hindi naman ako gutom."
Kasabay nang pagsalita ko ay ang pagtunog ng sikmura ko. Napapikit ako ng mariin at nagmura sa isipan. Pagkaangat ko ng tingin ay nakita kong nakangiti si Daxel.
I bit my lip as I nervously sit in front of him. Hindi ako makatingin ng diretso at nakita kong nilagay na niya ang plato sa harapan ko.
"W-Why are you doing this?" I asked.
BINABASA MO ANG
Against the Barrier (Magnates Series #1)
RomanceThis book is published under IMMAC PPH (Magnates Series #1) Being an heiress to a wealthy family, political marriage is one way to prolong the Pontevera's legacy. But Ishina Astrid Pontevera chooses to live independently without all the privileges...