Kabanata 24
Is he jealous?
Iyon kaagad ang pumasok sa isip ko. Hindi tuloy ako mapakali habang ginagawa ang trabaho ko. Napatingin ako sa orasan at malapit na matapos ang office hours.
Lumipas ang oras at agad na niligpit ko ang gamit ko. Tumayo ako sa upuan ko at binuhat ko na ang bag ko. I was about to go outside when Elton approached me.
"Sabay na tayo?" aniya.
Tumango ako at ngumiti. "Sa'n ka ba?"
"Malayo, e. Sasabay lang ako palabas." he chuckled.
Sabay nga kaming naglakad palabas. We were walking as we talk about the workload today. Napadaan kami sa malapad na field at natigilan ako nang may natanaw akong nakaupo sa may bakanteng bench.
Kahit madilim na ang paligid ay nakita ko kaagad ang pamilyar na pigura na 'yon. He glanced at me. Bahagyang nag-angat ang kilay niya nang bumaling sa'kin. Tumayo siya at nanatiling nakatingin.
"Mauna ka na, Elton. Salamat." I smiled.
"Sige, ingat ka."
He gave me a short wave before walking away. Naglakad ako papalapit kay Daxel. Ngumiti ako at kumaway nang makalapit ako sa kanya.
"Kanina ka pa?" I asked.
"Medyo."
"Tapos na ang work mo?"
"Yeah,"
"Talaga? Hindi ba usually inaabot ng gabi ang labas mo? P'wede ba 'yon?"
Nagtaka ako kasi usually talaga inaabot siya ng sobrang gabi, probably around 8pm. 6pm pa lang kasi ngayon.
"It's fine..."
Napanguso ako sa tipid na sagot niya. I was bothered by it. Is it because of what happened earlier? Hindi naman siya nagsasalita tungkol do'n.
Pinakita ko sa kanya ang iniwan niyang pagkain sa desk ko. Inangat ko 'yon at ngumiti. "Salamat nga pala dito."
Tumango lang siya at walang sinabi.
Naglalakad kami ng tahimik. I was thinking too hard about what to say to him. I don't know why he suddenly felt so cold and distant.
"Hindi ba sa may quarters ka lang? Dito ka matutulog 'di ba?" siniglahan ko ang boses ko.
"Yeah,"
Ugh...what is happening?
"Kung gano'n hahatid kita do'n bago ako umuwi sa'min?" nakangiting pag-aaya ko.
"I'll drive you home."
My brows furrowed. "Ha? M-May kotse ka?"
I didn't mean to sound offensive. Sa pagkakakilala ko sa kanya, I haven't seen him with a car. Nito lang na ginamit niya ang kotse ng may-ari ng kompanya. I was actually amazed on how he managed to drive it like he was used to it. Mukhang matagal na niyang minamaneho 'yon.
"I'll use the company's car."
"H-Hindi na, magcocommute ako. Alam kong pagod ka ngayon kaya hindi mo na kailangang gawin 'yon."
Napatigil siya sa paglalakad kaya tumigil rin ako. I glanced at him but I can't see his expression clearly because it's already dark.
"I'm your...boyfriend, right?" mahina ang boses niya pero narinig ko 'yon.
I walked closer to him, nag-iwas siya ng tingin.
"O-Oo naman."
He sighed. "Then please let me do this."
![](https://img.wattpad.com/cover/227070971-288-k618015.jpg)
BINABASA MO ANG
Against the Barrier (Magnates Series #1)
RomanceThis book is published under IMMAC PPH (Magnates Series #1) Being an heiress to a wealthy family, political marriage is one way to prolong the Pontevera's legacy. But Ishina Astrid Pontevera chooses to live independently without all the privileges...