Kabanata 2

54.9K 1.9K 851
                                    

Kabanata 2

Ngiting ngiti si Vio nang pumasok siya kinabukasan. Pakanta kanta pa siya habang nilalagay ang gamit niya sa desk niya bago kami binalingan ng tingin. Nginisian kaagad siya ni Raze dahil do'n.

"Nakailang round ba?" Raze immediately asked.

Humagikgik si Vio at pabirong hinampas si Raze. "I lost count, sa kotse palang kasi hindi na nakapagpigil."

Iniwas ko ang tingin ko at tinuloy nalang ang ginagawa ko. I tried distracting myself from work to avoid hearing dirty things from their conversation. Nag-iingay ang dalawa habang ako ay tahimik na nalipad ang utak dahil sa nangyari kagabi.

"How about you, Vera? Anything special happened last night?" Raze grinned at me.

My brows furrowed because of his playful tone. Agad na umiling ako bilang sagot.

"I saw you talking with Daxel last night."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil do'n. Naalala ko na naman tuloy ang kahihiyan ko kagabi! My face immediately heat up. I remembered every single detail of how I embarrassed myself in front of the naive kid, who's actually older than me.

Hinawakan ni Vio ang magkabilang balikat ko at inalog. "I knew it! Iyon ang mga tipo mo, 'no? 'Di mo lang inaamin!"

"Hindi nga sabi ako interesado."

Inirapan ko sila at tinuloy na lang ulit ang ginagawa ko. Kinulit nila ako ng todo sa buong araw na 'yon. Hindi ko masabi sabi ang nangyari dahil sa sobrang kahihiyan. Nang tumigil sila ay nakahinga ako nang maluwag.

"Ms. Pontevera, how's work?"

Napapikit ako nang mariin ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Ramdam ko kaagad ang mga titig mula sa ibang mga katrabaho ko, lalo na kina Raze at Vio. I inhaled a deep amount of breath before giving him a fake smile.

"Fine, Mr. Flordeliz." I calmly said.

Bumalik ulit ako sa tinatrabaho ko, umaasang titigil na siya sa kakatanong sa'kin.

"Are you available to have dinner later?"

Pinilit kong mag-angat ulit ng tingin at ngitian siya. "No, sir. But I'm sure your wife will love it if you invite her for dinner."

Inemphasize ko ang "wife" para malaman niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig. His forehead creased with what I said but he still smiled at me.

"I'm sure my wife wouldn't mind."

Malapit na maubos ang pasensya ko. Why won't he leave me alone?! Hindi niya ba alam na ginagawa na ngang impyerno ng asawa niya ang buhay ko dahil sa kakalapit niya?!

"Again, no thank you." I politely declined.

Tumayo ako at kinuha ang dokumento na pinapagawa ni Mrs. Flordeliz. I went inside her office but the old Mr. Flordeliz is following me behind! What the hell! Sabay kaming pumasok sa loob ng office ng "kanyang asawa".

"Here are the documents you requested." I gently placed the pile of paper on her table.

Hindi ako tumingin dahil naramdaman ko ang sama ng titig niya sa'kin.

"I asked Ms. Pontevera to have dinner with me. Will that be okay with you?" paliwanag ni Mr. Flordeliz.

Muli akong pumikit nang mariin at nagmura sa isipan. Did he actually ask me out in front of his wife?! In front of his freaking wife! What kind of douchebag does that?!

"I need to discuss something about work since the board was impressed with the proposal she came up with for the last project," he added.

Doon nakuha ang atensyon ko. Medyo ginanahan ako dahil mukhang mali ang inisip ko na ginugulo niya lang ako. Marahil ay tungkol nga talaga sa trabaho ang pakay niya.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon