Kabanata 14

41.7K 1.8K 1.1K
                                    

Kabanata 14

Raze:

Saan ka? Hindi ka na bumalik dito!

Raze:

Huy Vera, saan ka? Sabi mo magpapahangin ka lang?

Raze:

Vera baka naging hangin ka na?

Vio:

Sfsan jka na dsaw?

Huminga ako nang malalim habang binabasa ko ang text mula sa cellphone ko. Muli akong bumuntong hininga bago magtipa ng reply.

Ako:

Umuwi na ko. Masakit na ulo ko.

Muli akong tumingin sa kalsada habang tuloy sa pag-andar ang taxi. Sinubukan kong pumikit pero muling pumasok sa'kin ang imahe na nakita ko kanina. I sighed deeply to control my breathing.

Napansin ko pa ang pagsulyap ng driver kada pagpapakawala ko ng buntong hininga. Mabuti nalang hindi siya nagtanong kasi baka kapag magsalita ako ay bumiyak ang boses ko at tuluyang umiyak.

Nakarating ako ng ligtas pabalik sa apartment ko. Pagkapasok ko sa loob ay agad itinapon ko ang sarili ko sa kama at hindi na pinigilan ang luhang nagbabadya kanina.

I never felt so upset in my entire life. Hindi ako madaling umiyak dahil ayokong magpakita ng kahit anong kahinaan pero ngayon, parang mas masasaktan lang ako kung hindi ko nilabas ito.

Gusto niya raw ako. What a joke.

I shut my eyes closed and the scene immediately flashed in my mind. Napamulat ako at muling naluha na parang tanga.

Kaya pala hindi na nagtrabaho, may iba na palang tinatrabaho. Bakit? Malaki ba ang swelduhan ro'n? Sabagay, sa itsura niya kanina ay mukhang mas nag-enjoy siya do'n kumpara sa pagpeperform niya sa mga gig niya.

Galingan mo pa, ha.

It was just frustrating that I never saw him for a long time tapos ganito ang maaabutan ko. I was worried for nothing. He was obviously in a good condition. Nakikipaghalikan pa nga.

Naiinis ako na sinisi ko pa ang sarili ko dahil biglang hindi siya nagpakita. Then I'd see him in that situation. Hindi na sana ako nag-abala mag-overthink. Mukhang wala rin lang pala sa kanya lahat ng sinabi niya.

Mabilis na lumipas ang pasko at bagong taon na pero parang wala masyadong nangyari. My family reached out to me during those days through videocall. Binati nila ako at kinamusta.

Nang bumalik na sa trabaho ay pilit ko na lang kinalimutan ang nangyari. Bagong buhay na Vera, leave those unpleasant memories and start anew.

"Grabe, Bagong Taon na wala pa rin akong jowa." malungkot na sabi ni Vio habang nasa bar kami.

Humalakhak si Raze. "Bakit kasi hindi ka maghanap at puro landian lang ang tinatanggap mo?"

"Landian lang din naman ang habol nila sa'kin. Ayaw naman nila ng seryoso."

"Ayaw nila o ayaw mo?"

Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Vio at humawak ito sa kanyang dibdib na tila ba naoffend sa sinabi ni Raze.

"Nagsalita ang hindi takot sa commitment, ah." Vio countered.

"Hindi ako takot, sadyang ayoko lang."

"Bakit? May hinihintay ka?" Humalakhak si Vio at pabirong hinampas si Raze.

"Hmm...no comment."

Naghalakhakan ang dalawa at nakisali na rin ako. Alam kong lantad ang pakikipaglandian nila pero kung tungkol sa seryosohang relasyon ang pag-uusapan, ilap ang dalawa.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon